A/N: Wedding picture ng Empress at Emperor sa gilid :)
***
~Shouko’s POV~
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Ang buong pamilya ko, kasama si Saori, ay nagtungo sa Kyoto dahil ipinatawag kami ni Crown Prince Satoshi. Inaasahan kong makikita ko roon si Ojiro, ngunit ni anino niya ay wala.
“Nagustuhan mo ba ang silid mo, Lady Shouko?” sabi sa akin ng isa sa magiging tagasilbi ko. Pinagpilitan kasi ni Crown Prince Satoshi na kailangan ko ng maraming tagasilbi maliban kay Saori, lalo na at nalalapit na ang kasal namin.
Hindi ko maipaliwanag pero ni hindi ako tinitignan ni Satoshi. Masyado siyang mailap. Nung kinausap niya yung mga magulang ko’y maayos naman siya. Palangiti at palaging nakatitig sakin. Ngunit kapag kaming dalawa nalang ay tahimik lang siya.
Sa ngayon ay sa isang quarters ng palasyo ako maninirahan. Ang aking pamilya naman ay nasa ibang quarters. Pansamantala lang sila sa Kyoto at kapag natapos na ang aking kasal ay babalik na sila sa Chiba. Maiiwan si Saori dito.
“Oo, salamat. Maaari mo na kaming iwan..” sabi ko.
“Magpahinga kayong mabuti..maiwan ko na po kayo..” lumabas na ang may katandaang babae sa aking silid. Naiwan kami ni Saori.
“Shouko-sama..sigurado ka na bang talaga?” sabi ni Saori.
Hindi ako kumibo. Lumapit lang ako sa bintana at binuksan ito. Malapit na ang taglamig, kaya naman napakalamig ng hangin na pumapasok sa bintana.
“Magmula nang araw na iyon ay hindi ka na ngumingiti, Lady Shouko. Nag-aalala ako sa’yo..kasing lamig na ng mga mata mo ang panahon..”
“Nakapagdesisyon na ko. Para na rin to sa aking pamilya. Masaya silang magiging Empress na ko..”
“Pero hindi mo siya mahal..”
“Ano nga ba ang pagmamahal, Saori?” Lumingon ako sa kanya. “Alam mo ba kung ano yun? Naranasan mo na ba?”
“Lady Shouko..”
"Hindi mo alam, Saori. Wala kang alam.."
“Nung araw na nagkita kami ni Ojiro..alam ko sa puso ko na pupunta siya. Mahal na mahal ka niya. Baka naman may nangyari lang..”
“Huwag mong banggitin sa akin ang pangalan niya. Magmula ng araw na iyon, kinalimutan ko na siya..”
“Hindi naman basta basta nakakalimot ang puso, Lady Shouko..”
“Maaari ba akong pumasok?” sabi ng isang lalaki sa labas ng aking pintuan. Kahit hindi ko man tignan ay alam kong si Crown Prince Satoshi ang nasa likod nito.
“Kamahalan..” sabi ni Saori at yumuko. “Maiwan ko na muna kayo..”
Lumabas si Saori matapos pumasok ng Prinsipe sa aking silid.
“Kumusta ka? Naninibago ka ba sa bago mong tirahan?” tanong nito sakin. Bakit bigla bigla ata ang pagiging maaalalahanin niya?
“Medyo. Pero masasanay rin ako..”
“Mabuti kung ganun..”
“Kamahalan..”
Tumingin sakin si Satoshi. Ganun pa rin, walang emosyon.
BINABASA MO ANG
Soulmates: 300 Years Of Love [S3YOL] (Completed)
RomanceThe normal life of Yashiri Koizumi will change after she discovers a 300-year old legend of a lighthouse in their hometown. ~atserkeiram Original concept of atserkeiram. Original version created year 2005. Wattpad version created May 19, 2013.