Totoo bang mapag panggap ang pag ibig?
Totoo bang kapag tinamaan ka nito, gagawin mo ang lahat para lang sa ikaliligaya mo?
Paano ang iba?
Paano siya?? Kung alam mo sa sarili mong hindi ikaw ang mahal niya at binubulag mo lang siya sa isang kasinungalingan.
Marahil maging matagumpay ang gusto mo, pero hindi mo pa rin maaaring maangkin ang bagay na mayroon siya na wala ka.
Sabi nga nila, lahat gagawin mo sa ngalan ng pag ibig. Kaya kahit may masaktan at magdusa, handa kang magsinungaling para lang sa iyong nais. Ang nais mong mapaibig ang taong pag aari na ng iba at ang nais mong makamit ang bagay na wala ka.
Ang pag ibig daw ay walang kamatayan, Pero ang pagmamahal ng isang tao sa isang tao, ay maaaring magbago at matuon sa panibagong tao kung mapapagtanto niya na unti unti na siyang nawawalan ng pagmamahal sayo.
Lahat ba kaya mong angkinin?.
Lahat ba kaya mong ibigay?
Paano ka magsasabi kung hindi ka niya kilala?
Magtatago ka nalang ba ?
Saan mo hahanapin ang lakas ng loob?
Saan mo hahanapin ang pagkatao mong sinira ng isang malaking delubyo na dumating sa buhay mo?
At saan mo hahanapin ang pag ibig na meron ka noon kasama sila at ngayon ay wala na sayo, dahil ang pagmamahal na hinahanap mo ay nasa isang impostor na ngayon.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...