NILO POV
Pagmulat ng mata ko ay parang tamad na tamad pa akong bumangon, parang gusto kong mahiga nalang magdamag muna. Pero hindi pwede, kaya kahit nanlalata ako ay tumayo ako at tinunggo ko ang aking bag. Kumuha ko doon ng sipilyo, sabon, shampoo, twalya at gamit pamalit ko para makapaligo na ako. Ang init ng pakiramdam ko at lagkit na lagkit na ko kahit aircondition dito sa kwartong to.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako saka ako nagayos ng sarili ko. Inayos ko ang buhok ko, naglagay ako ng pabango sa damit ko at katawan ko saka ako ngumiti sa harap ng salamin.
" Ang Pogi ko talaga. Tsk!" Sabi ko.
Hindi na ko nagpaligoy ligoy pa, bumaba ako para makasama ko sila, Anong oras na rin kasi, Alas Tres na ng hapon. Sigurado akong mga nageenjoy na tong mga to sa pagsiswimming.
Hindi naman ako nagmaganda ng suot. Simpleng short at sando lang ang suot ko. Kaya hindi ko alam kung bakit nung makita nila ko ay mga nagtinginan sila sakin na parang nilulusaw nila ko.
Mali pala ko. Hindi sila nageenjoy sa pag siswimming... Sa pagdadaldalan sila nageenjoy.
Hindi ko sila kinibo at pumunta ko sa gawi nila. Nakaupo lang kasi sila dito sa terrace, silang lima.
Magkausap si Ate saka si Kelly habang yung tatlo naman ang magkakausap.
" Hey! What's up!" Sabi ko sakanila saka ako unupo sa tabi ni Paul.
" Pare? Ano yang suot mo?" Tanong niya.
Bakit? May mali ba sa suot ko?
Iiling iling akong tumayo saka ipinaliwanag yung suot ko.
Wala namang mali dito ha? Sandong White. Saka Short na pang summer.
" Kuya?? Di ka naman atat mag swimming no?"
" Hindi. Bakit? Masama bang magsuot ng ganito?" Tanong ko sakanila.
Sa hindi ko inaasahang kayabangan ko, ay napatingin ako kay Kelly.
Shit!
That look!
Nahiya tuloy ako kaya napaiwas ako ng tingin.
Sigurado ako na nagiisip pa rin ito sa L.A. na sinabi ko. At sigurado kong hindi ito matitigil sa pag iisip, unless.... Sabihin ko yung ibig sabihin nun.
Alam ko na!
Ganito nalang ang gagawin ko.
Hindi ako magpapaapekto. Hindi ako magpapahalata sakanya na naiilang ako. Kailangan kong ipakita sakanya na sincere ako sa sinabi ko kung ano man ang ibig sabihin nun sakanya.
Yun naman kasi yung totoo. L.A. ko siya.
" Kelly? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya dahil pinilit kong kausapin siya kahit na alam kong mahihirapan akong magpanggap.
" Ahh... Oo naman. " sabi niya habang halata sakanyang pinipilit niya lang ngumiti.
Sabi ko na nga ba e. Naiilang pa rin siya sakin kakaisip siguro ng sinabi ko.
Di ko na kasi pala dapat sinabi yun. Kay Kulit kulit kasi ng utak ko!
" Nga pala, Guys!! Gusto niyo na bang magswimming? Tutal 3 pm na oh. Sayang yung oras natin..."
" O sure! Tara! Magbihis lang kami!" Sabi ni Mabel na parang excited.
Sumunod sakanya si Caloy habang magkahawak sila ng kamay.
Wait... Di ko pa naman sila pinapayagan ha... Napailing nalang ako. Humanda kayo mamaya sakin, pagkukurutin ko mga singit niyo.
Abusado kayo ha. Porket di kayo pinapagalitan ee..
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...