KELLY POV
Nang magising ako ay nasa ganoong pwesto pa rin kami ni Nilo. Kayakap ko siya habang siya ay natutulog pa.
Di ko maiwasang mapatitig sakanya. Ang gwapo talaga niya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa kapag natutulog. Haha. Joke.
Gusto kong mahiya sa ginawa ko kanina yung halikan siya ng biglaan. Hindi ko naman gusto iyon ee nagulat lang talaga ko sa nangyari.
Hinaplos ko yung mukha niya medyo mainit pa rin yung lagay nung balat niya. Kailangan niyang makainom uli nang gamot at makakain manlang.
Bakit ba kasi hindi manlang nagpunta sila Paul dito para lang sana kumustahin kami or dalhan ng pagkain diba?
Haay!!
Malakas pa rin ang ulan sa labas. Buti at hindi tinatangay ng hangin at alon itong Yate na to...Nasa ganoong pagtitig ako sakanya nang bigla siyang dumilat. Nagulat pa ko nang bahagya pero napawi rin yun agad.
" Good Afternoon. " bati niya sakin.
Ngumiti lang ako sakanya saka siya tinanong kung okay na ba siya, kung ano na yung pakiramdam niya kung nagugutom na ba siya o nilalamig pa. Lahat yun ay tinanong ko sakanya. Pero wala akong ibang nakuhang sagot kung hindi..
" Wag mo kong iwan. Yakapin mo lang ako please.. Giniginaw ako e"
Wala naman akong magagawa. Kapag hindi ko siya mapapagbigyan, it's either na magalit siya o kaya naman ay magkasakit siya lalo.
Nagdahilan pa nga ko na kailangan ko siyang painumin ng gamot pero ayaw niya talaga kong pakawalan.Nararamdaman ko yung init ng katawan niya dahil parehas kaming nasa loob ng kurtina na ginawa naming kumot dalawa.
Ang init niya talaga. Mataas pa rin yung lagnat niya. At bukod doon! Yung abs niya nakakanti sa kamay ko.
" Magdamit ka kaya muna? Para di ka masyadong lamigin?" Suhestiyon ko pero ayaw daw niya.
Di ko alam kung trip lang ako neto o talagang totoong giniginaw siya e.. O baka naman gusto lang akong katabi at kayakap e..
Tsumatsansing!
Manyak talaga! Hahaha
" Ako ba e minamanyak mo lang kaya ayaw mo kong paalisin?"
" Wow ha! Ako pa talaga? Ako may rason kung bakit nagpapayakap sayo. E ikaw? Wala ka namang rason bigla mo kong hinalikan. Sige nga.. Sino ang tsansing sating dalawa?"
Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at umayos ng higa. Yung kaninang kayakap ko siya ngayon ay kinalas ko na.
" Haha... Joke lang. Ganito ba gagawin mo sakin kapag jinoke kita? Paano kung tayo pala yung magkatulayan? E di... Lagi kang magagalit sakin kapag biniro kita?"
" He! Lakas tama ka! Di pa siguro nawawala yung tama ng alak dyan sa utak mo no!"
" Yung alak nawala na. Yung pangalan mo. HINDI KAHIT KAILAN."
" Dumada'moves ka na naman! Haha..."
" Hindi ah. Sige. Kumuha ka ng kutsilyo. Hiwain mo ang dibdib ko. Ganun din sa ulo ko. Kunin mo yung utak ko at puso ko. Tingnan mo't makikita mong pangalan mo lang ang nakalagay doon."
" Laos na yung style mo." Sabi ko tapos nagulat ako ng yakapin niya ko.
Pinipilit kong kumawala pero malakas pa rin siya. Nagulat nalang ako ng kilitiin niya ko dahilan para mapalakas yung tili ko at tawa ko.
Para kong uod na kendeng ng kendeng habang gustong kumawala sa pangingiliti ni Nilo sakin.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...