KELLY POV
Maaga kong nagising, hindi ko alam kung bakit. Mga tulog pa yung kasama ko kaya ang ginawa ko ay bumaba ako para magpahangin sana sa likod bahay.
Masarap ang hangin ngayon sa labas for sure kasi malamig ito dahil 4:30 am palang naman.
Pero sa di ko inaasahan pagbaba ko ay may narinig akong nagluluto sa may kusina. Na'curious naman ako kung sino yun kaya pinuntahan ko.
" Nilo? " tawag ko sakanya. Nakahubad siya sa pang itaas at naka apron lang saka syepre na kashort siya.
Nang tumingin siya sakin ay di ko alam kung bakit parang bumagal ang ikot ng mundo ko.
Shet!! Ano ba nangyayari sakin!!
" Kelly? Bakit ang agaong nagising?" Tanong niya sakin pero di ko siya sinagot dahil napako ako sa pagtingin sakanya.
Hindi ko alam kung bakit may kakaiba siyang aura sakin. Ang gwapo niyang tingnan.
Nang maisip ko yun ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit pero sa tingin ko, humahanga ako sakanya.
" Kelly? Okay ka lang? "
" Ahh!! Ahh.. Oo---oo.. Bakit ang aga mong nagising?" Tanong ko sakanya habang alam ko sa sarili kong kinakabahan ako at nanginginig dahil aa nerbyos.
" Nagutom ako bigla ee kaya naisip kong bumaba para sana kumain, kaso naubos na,daw pagkain sabi ni Manang.. E ipagluluto pa sana niya ko kaao sabi ko ako na magpahinga nalang siya dahil pamaya maya ay gagawa na naman siya ng gawaing bahay." Mahabang paliwanag niya sakin habang hinaharap yung niluluto niya.
Ako naman ay umupo sa upuan at tiningnan lang siya.
" Bakit ganyan ka makatingin sakin? Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na katawan? "
" Baliw!! Iniisip ko lang kung sanay ka bang magluto talaga? E diba nung nagluto ka noon, yubg kanin mo naging lugaw?" Palusot ko.
" Grabe ka sakin ha! Pero ako naman yung kakain ee kaya okay lang. Masisikmura ko yubg lasa nun." Sabi niya habang nakangiti.
" Sabagay."
" E ikaw? Bakit gising ka na? Maaga pa ha?" Tanong niya habang hinahango yung sinangag na niluto niya.
" E ayaw ko na matulog ee saka gusto ko sanang magpahangin sa labas. "
" Aahh... Samahan na kita. Pero bago yun... Kumain ka na rin nang niluto ko. Promise may lasa to at masarap."
Tiningnan ko naman siya ng nakakalokong tingin ng sabihin niya yun kaya natawa siya.
" Oo nga! Masarap to! Promise. Tikman mo oh! "
" Hindi wag na! Ayos lang! Busog pa ko." Pagtanggi ko sakanya.
" Sige na.. Masarap to promise.. " pamimilit niya kaya ang ginawa ko ay sinubo ko na yung pinapakain niya sakin.
" oh? Ano masasabi mo? Masarap ba?" Pagkukumpirma niya sakin." Infairness.. Masarap ha. Hindi lasang lugaw. Haha."
" Baliw! Halika! Ikukuha na kita ng pinggan at sabayan mo na kong kumain. "
Hindi ko na siya pinigil pa at sinabayan ko nalang siyang kumain. Fried lang naman ang mga niluto niyang ulam pero kakaiba yung lasa nung fried rice niya. Ang sarap.
" Ang sarap talaga nung fried rice mo. Ano ba sikreto mo dito at napasarap mo nang ganito."
" Secret yun, syempre."
" Ang daya mo! Sige na sabihin mo na! Para sa susunod ako naman ang magluluto"
" Gagawin mo yun?"

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...