JOSHUA POV
Dinala ko si Lambert sa hotel. Dito muna kami magpapalipas ng gabi. Ayaw ko muna talagang umuwi samin. Hindi ko ata kayang sikmurain ang mga pakikisama nila sakin.
Gusto kong matawa kanina dahil ang sama ng tingin samin nung kahera doon sa ibaba. Ang akala ata nila ay mag syota kami ni Lambert.
Tsk. Tsk. Upakan ko pa mga mukha niyo e.
Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko pero di ko pinapansin. Si Daddy, si Kuya Ryan at si Kelly ang panay tawag sakin. Pero wala akong sasagutin na tawag kahit kanino sakanila.
Magulo ang isip ko. Ayaw kong lalo itong gumulo.
" Insan.. Pengeng picture mo? "
" ha?"
" Pengeng picture mo, para hindi ako maguluhan sa gagawin kong ito." Sabi niya saka itinuro ang mga picture na nakakalat sa isang lamesa.
Tatawa tawa naman akong dumukot sa wallet ko at ibinigay ko sakanya." Baka gusto mong matulog ka na."
" Ayaw ko, Insan. Gusto kong malaman yung posibleng kahihinatnan niyan."
" Ito ay subok lang. Haka haka kumbaga. Baka mamaya ay mayroon kang marinig sakin na ikagalit mo. Tatadyakan kita!"
" di ako magagalit. "
" Okay! Pangarap kong maging private investigator at ito ay isa sa mga kaso ko. Practice practice lang pero... seryosong bagay to kaya.. Gagalingan ko. chillax ka lang dyan!"
Ang yabang talaga neto, kahit kailan.
Pagbibigyan kita dahil alam kong ikaw lang ang pagkakatiwalaan ko at kakampi ko.
Hindi na ko nagsalita at hinayaan ko nalang siya." Nga pala, Insan? Okay lang ba yang paa mo? "
" Masakit, pero kaya ko. Hayaan mo ko. Gawin mo yang pangarap mo."
" okay!"
Pinanood ko lang siya sa mga ginagawa niya. Inaantok na ko pero kailangan kong malaman agad ang lahat para mailayo ko ang sarili ko sa kapahamakan at malaman ko ang katotohan na posibleng yun nga talaga ang totoo.
Kailangan kong mag ingat sa mga galaw ko. Kailangang piliin ko ang taong lubos kong pagkakatiwalaan. Hindi pwedeng basta bastang desisyon nalang ang bibitawan ko at babastang salita, lalo na't sila ang kaharap at kasama ko.
Posible nga kaya na hindi si Kelly ang Kasama ko sa bahay?
Tama kaya ang sinasabi ni Lambert?Si Daddy rin kaya ang may kagagawan ng lahat kaya mayroon siyang mga ganitong pictures?
Shit!
" I need laptop."
" Ha?"
" I said.. I need laptop. I need to check their backgrounds."
" Wala tayong laptop baliw."
" Kilala mo ba tong babaeng to?"
Tiningnan ko naman ang tinatanong niya. Iyon yung babaeng nakabangga ko sa opisina ni Daddy. Yung babaeng chinita at mukhang kagalang galang.
" Hindi ko siya kilala. Pero.. Nakita ko na siya."
" Sa tingin ko sa kanya ay isa siyang doktora. Pero, hindi ako sigurado... Kailangan may mapagtanungan tayo tungkol sa babaeng ito."
" pero sino?" Tanong ko sakanya. Nag isip din siya katulad ko, pero wala naman akong ibang naisip na pwedeng pagtanungan.
Lahat ay loyal kay Daddy. At alam kong hindi nila ilalaglag si Daddy kung itatanong ko ang pangalan ng babaeng ito.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...