PART 86

31 1 0
                                        

JOSHUA POV

Sobrang lakas ng ulan nitong mga nakaraang araw dahil sa bagyo. Inabot pa kami ng signal number 3 at ngayong sabado ay signal number 1 nalang ang probinsya ng Nueva Ecija. At bukas na aalis ito, pero mananatili pa rin na nasa loob ng PAR.
Baha sa labasan kaya nanahimik nalang kami dito sa loob ng bahay. Malakas din ang ulan at hangin kaya minabuti nalang namin na manahimik muna dito at binasa lahat ni Kuya ang laman ng diary sa buong araw ng huwebes at biyernes.
Inulit ulit niya kasi ito dahil hindi talaga siya makapaniwala sa mga nabasa niya, katulad ko.

Hindi ko alam na ganito pala ang mga nangyari,

Noong July 7, 1987
Ikinasal si Daddy sa Mommy ni Kuya Romano, pero ayon sa diary. Hindi totoong mahal ni Daddy si Romana at napilitan lang ito. Kaya nang magsama sila bilang mag asawa ay lagi nalang silang nag aaway.

December 4, 1987
Nagkaroon ng relasyon si Daddy at si Aurora, which is si Mommy.
Palihim silang nagkikita ayon sa nabasa namin sa diary.

Noong una ay ayaw ni Mommy kay Daddy, noong 1855, kaya nga nakulong pa si Daddy dahil pinakulong siya nang pamilya nila Mommy, dahil sa kinidnap niya ito at tinangkang gawan ng masama. At kaya lang siya makakalaya ay kung papayag siyang magpakasal kay Romana, dahil sa gusto niyang makalaya ay pumayag siya kahit na labag sa loob niya.
Pero nung nakita ni Momny si Daddy noong ikakasal sa kapatid niya, ay may naramdaman siyang sakit sa damdamin niya kaya hindi na niya napigilan ang sarili niya na ibigin si Daddy kahit mali na.

April 16, 1988
Ipinanganak ang anak nila ni Romana. Pinangalanan nila itong Enrico Bustamante, Jr. Pero ayaw ni Daddy na isunod ang pangalan niya sa anak nila dahil hindi tanggap ni Daddy si Kuya.
Pero nasunod pa rin si Romana kaya lalong nagalit si Daddy at iyon ang lagi nilang pinagaawayan.
Lahat ay ginawa ni Romana para lang mapaamo niya ang asawa ngunit ito ay walang saysay.

June 30, 1988
Nagtanan si Mommy saka si Daddy at nagpunta sila Visayas at hindi na sila bumalik pa sa Manila.

March 9, 1990
Ipinanganak ang anak nila. At ako yun... Sabik na sabik daw sakin si Daddy noon at ako daw ang una niyang anak. Dahil hindi daw niya tatanggapin si Kuya Romano bilang anak niya dahil hindi naman daw niya mahal ang ina nito, kahit ito pa ang una nitong asawa.

December 1, 1990
Nagpakasal sila sa huwes para maipagtibay ang pagsasama nilang dalawa. Kahit walang basbas ng magulang ay tumuloy sila.

May 16, 1991
Bumalik sila sa manila dahil wala na silang pera at hindi kayang magtrabaho ni Daddy ng mga mabibigat na trabaho.
Pagbalik nila ay napag alaman ni Daddy na may bagong kinakasama si Romana kaya kahit mali ay pinakilala niya bilang bagong asawa si Aurora sa pamilya niya at tinalikuran niya ang responsibilidad niya sa pamilya niya kay Romana.
Pinili ng Pamilya ni Daddy si Mommy dahil haliparot daw si Aurora at hindi na ito nababagay pa bilang maging parte ng pamilya Bustamante.

September, 15 1991
Nagkaroon ng handaan sa bahay nila Daddy at nagpunta roon si Romana, dahil imbitado ang pamilya ni Aurora at isa sa miyembro noon si Romana. Wala na itong balak manggulo dahil tanggap na niya na ang kapatid niya ang mahal ng asawa niya. Kaya nag paubaya siya.
Doon din naganap ang mga litratong nakita ko sa photo album.
Yung kaming dalawa ni Kuya Romano, yung picture naming lima, yung picture ni Daddy, ni Aurora at ni Mommy na magkakasama sila.

October, 5 1991
Lumayo sina Aurora kasama ang kinakasama nito kaya lalong natahimik ang buhay nila sa mga tsismis na naririnig sa paligid.

November 18, 1995
Nalaman ni Daddy na ipapamana lang sakanya ng mga magulang niya ang Bahay na tinitirhan nila. Samantalang ang mga kapatid niya ay ang bahay sa Nueva Ecija at ang kayamanan ng Ama niya. Habang sa kapatid na babae naman ay ang mga pera at ang mga alahas at kagamitan ng Ina niya.
Nagalit siya noon sa nalaman niya kaya nag isip siya ng paraan para makuha ang mga ito.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon