PART 4

51 6 2
                                    

JOSHUA POV

Ilang araw rin ang lumipas mula ng maganap ang aksidente at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si Kelly.

Inimbistigahan na rin ng mga pulis ang pinagmulan ng pagsabog at ng sunog at ayon sa tala nila ay ngayon nila sasabihin ang kinalabasan ng resulta at kung ano ang kinalabasan ng autopsy nung isa pang bangkay na nakita nila sa kusina.

May hinala sila na si Digna iyon. Pero paano kung si Kelly pala yun at si Digna ang pasyenteng iniiyakan namin dito.

Hindi!. Imposible!. Si Kelly to. Malakas ang pakiramdam ko.

" Joshua, nandito na ang mga pulis." Sabi sakin ni Ate Kim.

Nakinig lang kami sa sinasabi nila.

" Ayon ho sa imbestigasyong ginawa namin.. Ang pinagmulan ng pagsabog ay yung tanke ng gasul... Nakita rin namin na.. May tama ng baril ang tank na yun kaya nag exploit ito. At sumabog. " paliwanag ng pulis samin.

" E sino naman po ang bumaril sa tank?" Tanong ni Ate Kim

" ayon sa autopsy na isinagawa, lalaki ang bangkay na nakuha sa loob ng bahay. Marahil hindi na siya makilala dahil sobrang tusta ang nangyari sakanya, pero ayon sa mga nakuha naming inpormasyon.. Lalaki siya."

" so ibig sabihin?? Yung lalaking yun ang nagpasabog sa tanke?" Paglilinaw ko.

" Marahil ganun na nga ho, Sir." Pagsang ayon sakin ng pulis.

" Ano naman ang motibo niya?." Tanong ni Ate Kim.

" Nakuha po namin tong mga alahas sa tabi mismo ng bangkay ng lalaking ito. At ayon sa hinala namin... Pagnanakaw ang motibo ng lalaking yon.. "

Teka!. Kay Kelly to ha!.

" Teka!. Kay Kelly lahat to!. I gave this to her as my gift on our anniversarry. Including this ring... " sabi ko pero hindi nila ko pinansin.

Bwiset!.

" Hindi pa rin po ba nakikilala kung sino siya? Kung sino pamilya niya.." Tanong ni Ate Kim.

" Yan pa ang ginagawan namin ng aksyon sa ngayon. "

Teka nga!. Naguguluhan ako e!. Akala ko ba! Si Kelly at si Digna ang nasa loob ng bahay. Tapos, may lalaki pa.. So it means... Tatlong katawan ang dapat makita sa loob nun.

" mauna na po kami.. Salamat po " sabi nung pulis saka akmang tatalikod pero di na nila nagawa dahil nagsalita ako

" Sandali lang po." Sabi ko habang nananatiling naguguluhan ang isipan at maraming tanong na bumabagabag sakin.

" Ano po iyon, Sir?"

" Manang, Told us na.. Si Kelly at si Digna ang naiwan sa loob ng bahay, pero kung sabi niyo yung bangkay na nakita niyo ay bangkay ng isang lalaki... Nasaan na ang isang katawan? Eto na si Kelly... Nasaan ang katawan ni Digna?." Tanong ko pero hanggang ngayon ay nako'confuse ako kung si Kelly ba talaga to..

Ay ewan!.

" Susubukan pa po naming magmasid sa loob ng bahay.. Wag po kayong mag alala.. Pag may nakuha kaming lead, we will tell you as fast as we can. " sabi ng isa sakanila at sabay sabay silang umalis.

Paglabas na paglabas nila ay siyang pag sigaw ni Ate Kim na ikinagulat namin.

" Si Kelly!. Gumalaw yung daliri niya!. Ryan!. Tumawag ka ng doktor!." Sigaw nito.

Sa taranta ko, agad akong lumapit kay Kelly at hinaplos ang ulo niya.

Habang ginagawa ko yun, napangiti nalang ako bigla dahil sa minulat niya ang kanyang mata kahit na alam kong mahirap sa parte niya dahil maliliit na awang lang mula sa mata niya ang kaya niyang ipakita.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon