KELLY POV
Mabilis lang lumipas ang oras. Kung kaninang kumakain lang kami at nagtatampisaw sa tubig, ngayon ay gabi na.
Nakapabilog kami ngayon sa isang bon fire.
Ginawa ito nina Paul at Nilo. Hindi kami malapit sa dagat. Malapit kami dito sa puno ng buko, kung saan mayroong duyan. Nakapalibot kami doon sa bonfire habang si Paul ang nakaupo doon sa duyan.
Katabi ko si Ate Tanya. Kanina pa siya may binubulong sakin tungkol kay Paul kaya tawa ko ng tawa. Puro kalokohan kasi ang mga pinagsasasabi niya. Nahalata ko tuloy na may gusto rin siya kay Paul ayaw lang talaga niyang aminin.
" Guys... Laro tayo. " Panimula ni Paul saka tumabi kay Nilo.
" isip bata." Singhal ni Ate Tanya kaya tiningnan ko siya..
Hindi naman pala siya narinig ni Paul dahil medyo malayo siya dito. Dalawang tao pa kasi ang agwat o pagitan nila. At ang pagitang iyon ay si Nilo at Ako.
" Anong game ba?" Tanong ni Mabel.
" Hindi naman kasi tayo pwedeng magikot ng bote dito diba? Para mag spin the bottle tayo. So,... Naisip ko na... Magbunutan tayo kung sino ang mauuna." Sabi niya saka naglabas ng mga maliliit na straw at sa loob noon ay may maliliit na papel.
" Ano yan?" Tanong ko.
" Dito nakasalalay kung ano ang magiging topic ng ikekwento niyo. Ano? Deal ba kayo? 7 pieces to. Six lang tayo... Pasobra ko lang to para fair. Ano? Go kayo?"
" sino ka ba? Si Boy Abunda? Lolit Solis? O baka Toni Gonzaga? Grabe ha! Dinaig mo pa sila sa paghahalukay mo ng tungkol sa buhay namin." Anggal ni Ate Tanya.
" edi kung ayaw mong sumali edi wag. Ang arte naman ng Baby ko." Malambing na sabi ni Paul pero alam kong naiinis siya.
" Hindi ako sanggol tigilan mo ko!"
" Ate naman. Have some fun. We are here to enjoy, right? Wag nang mambasag trip. Okay?" Sabi ni Nilo.
" Okay. Okay. " napipilitang sagot ni Ate Tanya saka umupo ulit sa tabi ko.
" So, dahil payag na kayong lahat... Bumunot kayo ng isa lang dito sa straw..."
Naunang bumunot si Mabel, sumunod ay si Caloy, sinundan ni Ate Tanya, tapos ako tapos si Nilo.
" So, dalawa naiwan diba?"
" malamang! 7 nga diba? 6 lang tayo dito.. Lima palang nakakabunot edi pag'minusin mo diba 5 ? Tanga! Dalawa talaga matitira! Itatanong pa! Ano gusto mo? Tatlo. Di ka bumalik ng kinder! Sumali ka sa K-12 "
Natawa naman ako sa mahabang eksplanasyon ni Ate Tanya. Nakita kong umiling lang si Paul saka kumuha ng isa. May garapon siyang dala, at doon niya inilagay ang isang natira.
" kunin niyo yung papel, guys. May number dyan. Syempre ang una ay number 1 diba? Ikaw na mag umpisa basahin mo yung tanong saka ka magkwento ng about sa tanong. Okay." Paliwanag niya.
Binuksan ko yung akin at sobrang tuwang tuwa ako dahil ang nabunot ko ay number 7. Hahaha. Pang huli ako. Kahit anong gawin nila.
" guys, nga pala. Wala munang magbabasa nung mga tanong niyo nanabunot niyo ha, para fair sa mauuna. Kaya.... Paki tago muna yung mga straws and questions niyo. Okay?... So... Sino ang nakabunot ng one?"
" Sad to say, pero ako ang unang iha'hot seat ng tanong mong bwiset ka!" Sabi ni Ate Tanya.
Tiningnan lang namin siya habang binabasa niya yung tanong na napunta sakanya.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...