PART 28

26 3 9
                                    

KELLY POV

" Nasaan si Kuya?" Tanong ni Mabel ng makababa yung dalawang lalaki dito sa may harap nung bahay.

Malaki yung place. Napakalawak ng terrace. Kung tutuusin nga para itong isang hacienda. Napakalawak ng harapan. Pero di ko pa alam ang sa likuran... Di ko pa kasi nakikita, pero yung tatlong lalaki nakita na kanina dahil tinour na sila ni Paul. At ayon sakanila. Malawak din daw.

Bakit kaya hindi nila ginawa itong resort??

Oo aaminin kong mayaman kami, pero this kind of place!! God! Wala kaming ganito.

Siguro grabe talaga yung kayamanan ng pamilya ni Paul. Swerte niya at ni Ate Tanya in future. Hehe.

" Natutulog ang loko. Hayaan niyo na siya. Kumain nalang muna tayo... Mamaya na tayo lumangoy sa dagat hanu.." Sabi ni Paul tapos lumapit kay Ate Tanya saka inakbayan.

Kaya ayun...

Isang siko lang naman sa sikmura ang inabot niya. Kaya nagtawanan kami.

" manyak!" Sigaw nito saka umalis.

Si Paul naman ay kakamot kamot ang ulong umupo.

" Grabe yung Ate mo, Mabel. Mukha ba kong manyak?"

" Di naman obvious no?" Mapangasar na sagot ni Mabel kaya nagtawanan kaming apat.

Habang nasa ganoon kaming kasiyahan. Nagbalik sakin yung L.A. na sinabi sakin ni Nilo. At nung itanong ko sakanya kagabi ay parang nagulat pa siya.

Sabi ko na e! Malakas ang kutob ko na inakala niyang tulog ako nung nagsalita siya kagabi e..

Nang isipin ko yun ay napatingin ako kay Paul na ngayon ay tumatawa... Kung bakit?? Hindi ko alam.

Best friend siya ni Nilo... Ibig sabihin.... Baka may alam siya.

Tama! Pag best friend hindi malabong hindi pagsabihan ng sikreto. May mga bagay na sila lang din ang nakakaalam.

" Paul." Banggit ko sa pangalan niya tapos nagtinginan sila sakin.

Ang dami na palang Paul ngayon sa mga kasama ko?

" Bakit? May gusto ka bang kainin? Wait ipapakuha ko." Sabi niya saka akmang tatayo, pero pinigilan ko siya.

" No. I just want to ask something.... In private? Is that okay?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sakin saka ako inanyayaan doon sa isang tabi kung saan hindi kami maririnig nung dalawa.

" Ano yung gusto mong itanong?" Malumanay na tanong niya.

" I know na, it doesn't have sense but.... I want to ask something about.... Nilo." Sabi ko.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ng bigla siyang tumawa.

Anong nangyare? May nasabi ba kong nakakatawa?

" Why? Is there something wrong?" Tanong ko sakanya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit englosh din ako ng english this time.

" Wala. Wala. Don't mind me. Haha... Anyway... What is the question again?"

" Sabi ko... May itatanong ako."

" oo nga. Ano nga yun? Paulit ulit ka naman e."

Wow ha! Grabe! Baliw ata itong topak na ito e!

" Alam mo ba yung ibig sabihin ng L.A?" Tanong ko sakanya tapos bigla siyang tumawa.

Hala? Ano nangyari sakanya?
Nabaliw na naman po siya!

" L.A? Di mo alam! Hahaha. Akala ko ba laking states ka!" Sabi niya habang humahagikgik sa tawa.

" F.Y.I. hindi po ako laking States. At kung sasabihin mong ang ibig sabihin ng L.A. ay Los Angeles... Pwede ba! Hindi yan yung gusto kong sagot." Sabi ko kaya natahimik siya. Tumigil sa pagtawa at sumeryoso.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon