KELLY POV
Maaga kong nagising.. Siguro na homesick ako. Pero... Ewan ko ba!. Para kong binabangungot sa nangyayari ngayon... Hindi ako makapaniwala na nangyari to.
Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat... Sana nakinig nalang ako sa babala ng matanda... Sana... Ligtas ako, sana... Hindi ako nagkaganito.. Sana... Walang nagdurusa.
Alam kong mahirap tanggapin ang lahat lalo na ngayon na ang itsura ko ay hindi na makilala dahil sa sunog na mukha.
Paano kung?? Hindi na nila ko makilala.. Paano kung... Wala na pala kong babalikan, katulad ng sinabi ng matanda...
Hindi!.
Wag kang mag isip ng ganun, Kelly!. Matapang ka diba!? Matapang ka!. Panindigan mo!.
Hindi ko na napigilang umiyak, dahil kahit ako, ay natatakot sa posibleng mangyari..
Ipinikit ko ang mata ko at nag isip ng possitive energy para mabawasan at wag lapitan ng negative thinks..
" Gising ka na pala?." Isang boses na narinig ko at idinilat ko ang mata ko. Si Ate Tanya pala.
" Good morning, Ate Tanya."
" Halika? Kumain ka muna, kaya mo na bang tumayo? O dadalhan nalang kita dito?" Tanong niya pero mas pinili kong tumayo nalang para hindi na sila mapagod mag aruga sakin.
Pag labas ko ng kwartong iyon ay nakita kong natutulog sa sofa si Nilo. Nagtaka ko dahil sabi niya kagabi ay may sari sarili silang kwarto.. Kaya nga ang nangyari ay si Mabel ang nawalan ng kwarto at tumabi sa Ate niya dahil sa ako ang nakitulog doon.
" Ngayon lang natulog kasi yan.. Ewan ko ba dyan! Sabi ko kagabi, wag nang pumasada e.. Makulit.. Sayanh daw ang kita. Kaya ayan.. Pero.... Kahit papaano nakakatulong yan ng gastusin dito sa bahay bukod sa Pancit'an ko dyan sa labas." Paliwanag ni Ate Tanya sakin habang nakikita kong proud siya sa kapatid niya..
" E.. magkano naman po ang kinikita niya?" Tanong ko. Nakita ko naman na mag isip siya bago sumagot.
" Ahm.. Malaki na yung 500 a day, tapos.. Pinaka mahina na yung... 300 kapag masyadong matumal ang pasahero, buti nga may sarili kaming tricycle e.. Kasi kung wala, for sure.. May kahati pa kami sa kikitain niya... Kasi alam mo, yang kapatid ko na yan.. Hindi yan humihinto kapapasada ng tricycle na yan. Hanggang may pasahero sige.. Kaya nga proud ako dyan e.. Ginagawa niya ang lahat para samin kahit.. Medyo maloko, pero.. Sigurado naman na hindi ka mapapahamak at mamahalin ka niya kahit gaano kalaki ang kasalanan mo sakanya. O siya.. Kumain ka na.. Para pag kagising niya mamaya.. Maihahatid ka na niya."
" pwede po bang? Kayo nalang ang maghatid sakin?..." Tanong ko sakanya pero parang nagtatanong siya kung bakit siya kaya nagsalita ako ulit.
" E kasi, Ate. Naisip ko... Baka kailangan niya munang mamahinga.."" O sige.. Walang kaso sakin.. Basta sabibin mo sakin kung anong oras tayo aalis para makapaghanda ako."
" okay po."
" ano ka ba?! Wag mo na nga akobg i'po o opo diyan! Okay na sakin yung.. Ate."
" O sige, Ate. Salamat." Sabi ko saka kami kumain.
Nang matapos kami ay naghanda na ko sa pag alis namin.. Nanghingi pa nga ako ng balabal kay Ate Tanya bago umalis para hindi ako pagkaguluhan ng mga tao sa labas.
" Nilo, salamat sa lahat ng tulong mo sakin.. Kung hindi mo ko tinulungan, sigurado ko.. Natupok na ko dun.. O kaya naman nabagsakan ng kung ano anong mabibigat na bagay mula sa bahay namin. Hindi ako magsasawang magsabi sayo ng pasasalamat. Kasi, sa mabuting tao ako napunta... Katulad mo." Sabi ko habang kausap siya at habang natutulog.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...