PART 53

25 1 0
                                    

Nang makauwi ang dalawa ay hindi maiiwasang makita ang bakas ng lungkot sa mukha ng dalaga.

Alam niya sa sarili na may punto si Nilo pero hindi talaga niya maiwasan ang malungkot at madismaya dahil nandoon na siya ngunit hindi pa niya naabot.
Ang gumugulo ngayon sa kanyang isipan ay kung sino ang babaeng nagpapanggap at umaangkin ng mukha at katauhan niya.

Laging pumapasok sa isipan niya na baka si Digna iyon? Pero hindi siya naniniwala sa iniisip niya dahil alam niyang hindi magagawa sakanya ni Digna ang ganoong bagay. Tiwala siya dito, kaya siniguro niya sa sarili niya na kahit na silang dalawa lang ang naiwan sa bahay nung araw na yun ay minabuti pa niyang mag isip nang posibleng dahilan at posibleng tao na pwedeng gumawa sakanya nang ganun upang mawala siya nang tuluyan sa buhay ng mga mahal niya.

Nag isip siya ng pwede pang dahilan, at nakasama doon ang posibilidad na may isang hindi lang kilala na tao, pwede kasing may taong nadaan lang doon at nadamay sa pagsabog, at ngayon ay nagpanggap ito bilang siya.

Hindi talaga maalis sa isip niya ang mga bagay na nangyari noon.

Pati ang mga binilin at sinabi ng matanda ay bumabalik sakanya. Matagal na niyang hindi ito naalala pero ngayon ay nagbalik ulit sakanyang isipan.

Sino kaya ang nag utos sa lalaking nanloob sakanila. Posible kayang panloloob lang talaga ang pakay nito at kaya lang humantong sa pagsabog at pagbubuwis ng buhay ay dahil sa naglaban sila ni Digna?
O baka naman... May nag utos na isang tao na may galit sakanya o sa pamilya niya.

KELLY POV

" okay lang kayo? Saan na naman ba kayo galibg dalawa? Halina kayo... Kumain na kayo. Tamang tama at kaluluto lang ng pagkain"

" Ate Kelly? Okay ka lang ba? Mula nang pumasok ka sa pintuan ay nakasibangot ang pagmumukha mo."

Sasagot sana ko nang biglang magsalita si Nilo.

" Nandyan na yung pamilya niya. Pero may problema. Kagaya nang inaasahan.. Mayroong babaemg nagpapanggap na siya. "

" Oh my God?! So... Ibig sabihin?? Kamukhang kamukha mo siya ngayon?"

" Sa itsura niya dati. Pinagmasdan ko nga silang dalawa ee.. Ang pinagkaiba lang ay dalawang bagay.
Yung tunay na Kelly, may sunog sa mukha bagay na hindi nagpapaakit sa iba.
Pero yung isa... Maganda nga saksakan naman nang sama ng ugali."

Hindi ko alam kung maiinis ako kay Nilo o ano e..
Di ko alam kung dina'down ba ko o pinupuri.

" Paano yun? Paano mo masasabi sakanila yun?" Tanong ni Paul sakin habang may dalang pinggan na may lamang kanin.

" Hindi ko nga alam e, baka nga di nila ko paniwalaan." Sabi ko saka ako yumuko.

Nagulat naman ako kay Nilo dahil bigla siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang kamay ko

" Tumingin ka sakin?.... Nandito kami, tutulungan ka namin. Diba Ate? Paul?"

" Oo naman. Ikaw pa ba e parang kapatid na rin ang turingan natin sa isa't isa."

" Kapatid nga ba ang turing nung isa dyan?" Mapang asar na sabi ni Mabel saka umupo doon sa isang upuan sa harap ng lamesa para kumain.

" Hoy, Mabel tumigil ka ha!"

" K Dot!"

" Haay, naku! Kumain na tayo para makatulog na nang maaga. "

" Ate Tanya, gusto ko sanang magpasama kay Nilo bukas, okay lang ba?"

" Hindi na dapat pinagpapaalam yan, Kelly. Lagi na nga kayong lumalabas ee daig niyo pa kami ni Tanya, lagi kayong nagdedate ni Nilo! Hahaha"

" Oo nga! Tama ka dyan, Kuya Paul! Haha"
Pang sang ayon ni Mabel sa nakipag apir kay Paul.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon