PART 52

19 1 0
                                    

KELLY POV

' Bbbbbbeeeeeeeeeeeeeeepppppp'

" Ay!!!" Sigaw ko nang makita kong masasagasaan ako ng isang kotse. Kaya ang ginawa kp ay patalon akong napaupo sa kalsada para lang makaiwas sa aksidenteng yun. Kinabahan ako doon, aaminin ko.

" Kelly!"
Dinig kong sigaw ni Nilo saka lumapit sakin at itinayp niya ko. Niyakap niya ko saka hinimas yung ulo ko at yung braso ko

Hindi naman ako nasaktan. Buti nakaiwas ako agad at hindi nasagasaan nung kotse na yun.

Nilagpasan niya kami pero huminto naman siya. Nandito kasi kami sa labas ng bahay nila Joshua. Ginabi na kami ng bisita dahil sa kinailangan naming pumunta ng simbahan.

" Okay ka lang ba? Ha? Hindi ka ba nasaktan? Wala ka bang sugat?"

" Okay lang ako. Hindi ako nasaktan." Sabi ko tapos ay nagulat ako nang bigla siyang umalis sa pagkakatitig sakin at sinugod yung kotse.

" Hoy! Gago kang driver ka! Di mo ba alam na muntikan mo nang masagasaan yung kaibigan ko ha! Gago kang bastos ka ha! Huminto ka nga pero ayaw mo namang bumaba diyan! Bumaba ka dyang gago ka! Ano?! Natatakot ka bamg idemanda kita ha! Gago ka!"

Ako naman ay hindi tumigil sa pag awat sa ginagawa niya at pinilit siyang ilayo doon ng konti dahil kinakalampag niya yung harapan nung kotse.

Nang matingin kami sa kotse ay bigla itong bumukas. Binuksan iyon ng isang babae na naka  violet sa tantya ko dahil naliwanagan naman siya ng ilaw galing sa poste

Hinintay kong lumabas yung babae. Naka sumblero siya nang malaki.

Summer ba??

" Hoy ikaw! Pagsabihan mo yung driver mo ha!"

" Bakit? Sino ba ang tatanga tanga na nakaharang sa dadaanan ko? Di ba kayo? Kaya wag malakas ang loob mo."

Pagkasabi niya nun ay inalis niya yung sumblero niya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino at ano ang itsura ng kaharap ko ngayon. Tumingin ako kay Nilo pero hindi siya makatingin sakin.

Bakit?? Bakit kamukhang kukha ko siya?

" Hoy! Kayong dalawang hampas lupa lumayas na kayo dito. Bago ko kayo ipakaladkad sa guard ng village na to."

" Teka! Sino ka ba? Napakalakas naman ng hiya mo at sinisigaw sigawan mo kami ha!" Tanong ni Nilo

" Bakit? Hindi mo na ko kailangang kilalanin dahil baka pagsisihan mo pang nakilala mo ko. Umalis na kayo.... Layas na!"

" Tara, Kelly. "

Nang sabihin ni Nilo yun ay tinitigan ko nang mabuti yung babaeng kaharap ko at kita ko sa mukha niya na nagulat siya sa narinig niya.

" Teka? Ano kamo pangalan mo?" Tanong nito saka ako pinagmasdang mabuti na parang natatakot at kinakabahan.

Ako man ay naguguluhan pero ayaw gumana ng utak ko para mag isip.

Kamukhang kamukha ko siya. Pero hindi ko siya kasing ugali. Ibang iba ako sakanya pag dating sa bagay na yun. Dahil naramdaman ko agad ang masamang ugali niya sa porma palang niya at sa pananalita.

" Wala ka na ring pakielam. Pakielaman mo yung buhay mo. Tara na."

Napako man ang aking mga paa sa kinatatayuan ko ay napilit itong ialis ni Nilo nang simula niya kong hatakin para makapaglakad.

Ako naman ay hindi ko inalis ang tingin ko sa Babaeng yun, habang naglalakad patagilid dahil hila hila ako ni Nilo.

Posible kayang yun yung sinasabi ni Loiuse at ng kasambahay nila Joshua na Kelly daw na kasama nila sa States.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon