PART 71

22 1 0
                                    

JOSHUA POV

Shit!

May password!

Paano ko to makikita?! Paano ko makakahanap ng pwedeng katunayan at ebidensiya tungkol sa lalaking ito! Sino ka ba talaga Romano?!

Ano ang sinasabi mong kapatid mo si Joshua! Ako ba ang tinutukoy mo?!

Shems!!

Napahawak ako sa noo ko dahil sa kabiguang natanggap ko.
Nagulat nalang ako ng biglang may kamay ang humawak sakin kaya nakagawa na naman ako ng ingay.

" Psshh... Wag kang maingay, Insan. Tara na?! Baka mahuli pa niya tayo! Umalis na tayo dito! Bilis!"

" Walang hiya ka! Bakit kailangan mo pang manakot! " sabi ko sakanya habang ibinabalik ko ang pwesto ng cellphone sa kinabagsakan nito kanina nang ihagis niya ito.

" Di naman kita tinatakot e! "

" May Tao ba dyan?!" Sigaw ni Romano kaya nagmadali akong lumabas sa ilalim ng lababo. Pero paglabas ko ay nakita kong bumukas ang pintuan ng banyo dahilan para hilahin ko si Lambert sa kwartong pinasukan kanina ni Romano para nagtago kami.

Di naman niya siguro kami napansin na dumiretso kami dito.
Dahan dahan kong isinara yung pintuan.

" Insan! Gago ka ba?! Pwede tayong tumakbo papunta sa likod bahay kung saan tayo dumaan kanina! Pero bakit kailangang magtago pa tayo dito! Pag tayo na'corner dito ha! Kwarto niya to! Bulol!" Sabi sakin ni Lambert kaya kinabahan ako. Alam ko naman na kwarto niya to, pero kinabahan ako bigla.

Nakita ko na umikot yung doorknob kaya ang ginawa ko ay tinulak ko si Lambert para makapagtago kami sa ilalim ng kama niya.

" May Tao ba dyan?" Tanong niya habang naglalakad. May kinuha siya sa isang drawer kung saan malapit ako. Kitang kita ko ang paa niya na ngayon ay nasa harapan ko.
Kinabahan ako bigla dahil baka sumilip siya dito at bigla nalang niya kong makita.

Syempre hindi kami gumawa ng ingay o kahit sumagot sa tanong niya. E di kung sumagot kami, parehas kaming timbog!

Hawak ko ang bibig ko dahil kinakabahan ako. At alam kong kapag kinakabahan ako ay bigla nalang akong hihinga ng malalim o kaya ay sisigaw dahil sa kaba. Sana ay wag akong magulat para di ako makagawa ng ingay.

" Inuulit ko! May Tao ba dyan?!" Tanong niya ulit at sa pagkakataong iyon ay nagkasa siya ng baril.

Pumikit nalang ako dahil ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Lambert sa balikat ko pero di ako gumawa ng ingay.

Habang nakapikit ay nagdadasal ako na sana ay umalis na siya at magpatuloy na ulit sa paliligo. Pero mukhang hindi na ata siya babalik doon. Dahil pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko na nakabalunbon na ang twalya sa harap ko at nakita ko siyang naglalakad na nang naka'boxer shorts.

Lintek! Paano kami makakaalis dito!

" Insan? Sumisikip ang dibdib ko." Sabi sakin ni Lambert.

" Bakit?" Tanong ko sakanya dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang sakit sa puso o sakit na nahihirapang huminga.

" Amoy patay dito." Sabi niya sakin bagay na hindi ko naamoy kanina. Pero nang sabihin niya ay nagkaroon ako ng oras para amuyin nga ang paligid.

Pinilit hanapin ng pang amoy ko ang sinasabi niya. Noong una ay wala akong maamoy, pero nang di naglaon ay naamoy ko na nga ang sinasabi niya. Amoy ngang patay.

" Insan, sino ba yang lalaking yan! Baka mamaya tayo na ang isunod niyan!" Mahina pero may diin niyang tanong sakin.

Hindi ko siya sinagot sa halip ay tiningnan ko at pinagmasdan ang kilos ni Romano.
Nakatayo lang siya doon sa harap ng cabinet na may salamin.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon