PART 20

35 3 0
                                    

NILO POV

Napatitig nalang ako sa sitwasyong meron kami ngayon ni Kelly. Gusto kong umiwas ng tingin, pero di ko magawa.

Di ako makaalis.

Para kong nakadikit sa lupa at kahit anong gawin ay hindi kayang umalis.

Hanggang sa siya na ang kusang umiwas ng tingin saka tumayo.
Pagkatayo niya ay pinagpag niya ang suot niyang damit at inayos ang sarili at walang sabi sabing bumalik sa mga gamit namin.

Napabuntong hininga naman ako dahil nahihiya ako sa nangyari, although wala akong kasalanan sa nangyari nahihiya pa rin ako.

Tumayo ako saka naglakad papunta sakanya.

" Ayos ka lang ba? " tanong ko sakanya.

" Oo naman." Sagot niya habang nakatingin sa ibaba.

Nakaupo siya ngayon kaya ako ay tumabi sakanya. Inalis ko ang kaba at takot para makapagsalita.

" Pasensya na kanina. " Sabi ko ulit sakanya. Tiningnan naman niya ko saka siya ngumiti.

At nagulat ako ng bigla niya kong sabunutan. Saka siya tumawa.

" Aray ko.. Salbahe ka! " paulit ulit na sabi ko sakanya habang natatawa tawa rin ako dahil sa akala kong galit siya sakin, hindi naman pala. Nagpapanggap lang siya.

" Haha. Akala mo maiisahan mo ko ha! Haha" sabi niya habang patuloy lang siya sa ginagawa niya.

Hanggang sa natigil kaming dalawa at napahiga nalang habang hinahabol ang hininga kakatawa.

Magkatabi kaming dalawa. Tiningnan ko siya pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa nahaharangan ng balabal ang kapiraso ng kanyang mukha.

Ewan ko sa sarili ko kung bakit ko ginawang hawiin iyon.

Nakangiti ako sakanya at ganun din siyang tumingin sakin.

" Nagugutom na ko. Kain na tayo?" Pangungunang sabi niya. Ngumiti naman ako sakanya saka siya tumayo para ilabas ang mga pagkain na nasa basket.

" Ako na. Maupo ka nalang." Pagpiprisinta ko

" Sige na, ako na. " sabi nito kaya hinayaan ko nalang siya pero tumulong nalang ako at wala siyang nagawa kundi hayaan ako.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain.

Hiningan ko rin ng paumanhin ang nangyari kanina sa bahay ng makita siya ni Paul.

Ewan ko kung talagang mabait lang siya o madali lang talaga makaunawa sa iba, dahil wala naman daw sakanya yun.

" Sana maging magkaibigan kayo. Mabait yun." Sabi ko pa sakanya pero ngiti lang ang ibinigay niya sakin.

Nang matapos kumain ay nakatulog kami parehas. Pero nang magising ako ay magdadapit hapon na at wala siya sa tabi ko.

" Kelly?" Tawag ko sakanya. gaya ng inaasahan ko, walang sumagot sakin kaya tumayo ako at hinanap siya.

Habang naglalakad ako ay nakita ko siya sa di kalayuan. Nakatayo at nakatulala sa liwanag ng araw na ngayon ay papalubog na.

Napangiti naman ako saka ko siya nilapitan.

" Baka naman mahulog ka dyan, ang lalim na naman ng iniisip mo." Sabi ko sakanya habang nakatingin din sa tinititigan niya. Nakita ko siyang tumingin sakin, pero di ko siya nilinggap.

" Ang ganda lang kasing tingnan ng langit. Kanina, maliwanag siya... Pero ngayon, padilim na. Parang sa buhay ng tao. Yung kaninang kay liwaliwanag, ngayon malabo na" sabi niya sakin. Alam kong may pa'ibig sabihin siya roon.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon