DIGNA POV
Nasa kwarto ako nang marinig ko ang pagdating ni Joshua. Lalabas na sana ko nang marinig ko mula sa likod ng pintuan ko ang pag uusap nilang dalawa ni Lambert.
Asar talaga tong lalaking to e!
Naiinis na ko!
Iba talaga kapag sipsip! Lahat gagawin paniwalaan lang siya!
Asar ha! Hindi man lang pinamahinga yung isa at nagsumbong na nang mga hinala niya!
Asa naman siya na paniwalaan siya ni Joshua!
Itinapat ko lang yung tenga ko sa pintuan at pinakinggang ko siya.
" Insan.. Alam kong kakampi kita, pero wag mo muna kong kausapin."
Sabi ni Joshua.
Anong ibig niyang sabihin?
Mas naniniwala at nagtitiwala siya talaga kay Lambert?
Paano ko?
Hindi niya ko pinaniniwalaan?
Wow ha!
" Pero bakit? Ano bang problema?"
" Hindi ko nga pwedeng sabihin kahit kanino! Mahirap na baka mapahamak ako! Pati ikaw! Maraming pwedeng mapahamak kapag kumalat 'to!"
" Insan? Bestfriend mo ko! Kaibigan, Kapatid! Karamay Kakampi! Lahat ng Kagaguhan mo, Alam ko? Sige nga! Sabihin mo.. Kelan kita nilaglag? Insan, Sabihin mo sakin lahat para matulungan kita dyan sa problema mo! Wag mong solohin!"
Sa pagpupumilit ni Lambert ay hindi na siguro nakatiis si Joshua at sinabi niya na rin ito.
Wala man ako sa pangyayari ay alam kong nagbubulungan sila dahil hindi na iyon kasing lakas ng usapan nila kanina.
Lalo iyong humina kaya ako ay sobrang idiniin ko ang tenga ko sa pintuan, pero wala talaga kong marinig at maintindihan.
Baka naman? Umalis na sila kaya di ko sila marinig?
Teka nga makalabas nga.. Kailangan kong malaman kung ano ang pinag uusapan nila. Baka tungkol sakin iyon.. Kailangan kong makagawa nang paraan para mapigilan sila sa paghihinala nila.
Hinawakan ko yung door knob pero hindi ko pa man ito naiikot ay may nagsalita bigla, dahilan para mapahinto ako ulit.
" Saan mo naman nakalap yan, Insan?"
" Basta! May mga natuklasan ako. May ebidensya ako! Eto. Mga bagay na hindi kapanipaniwala at talagang kahinahinala. Magulo. Di ko maintindihan. At kaya ako napilitang sabihin sayo to dahil alam kong kakampi kita."
" ofcourse! I always be! Hindi kita ilalaglag, pero pwede bang patingin niyang laman niyan?"
" Wag tayong mag usap dito. Lumayo tayo. Halika. "
" mabuti pa nga. Pero, Saan? "
" Sa lugar kung saan walang pwedeng makarinig satin. Confidential to, Lambert. Hindi pwedeng basta basta lang natin itong pag uusapan dito."
" O sige, fine! Saan tayo?"
" Ako na bahala. Tara bilis!"
Nang marinig ko yun ay bigla akong na'curious. Narinig ko ang mga yabag nang mga paa nila pababa sa hagdanan. Nagmamadali sila.
Pero.. Wait? Kailangan ko silang sundan?
Lumabas ako ng kwarto ko at paglabas ko ay tiningnan ko ang sahig, pero wala man lang silang naiwan kahit na isang ebidensyang sinasabi nila. Nakakaasar!
Tumakbo ako pababa ng hagdan para sana sundan o pigilan sila. Pero pagkababa ko ay palabas na ang kotse ni Joshua at hindi ko na sila naabutan.
Asar! Hindi ako sanay mag drive!
Paano ko sila susundan!
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...
