NILO POV
Naghihintay kami ng resulta ngayon kay Caloy.
Pinapanalangin ng lahat lalo na ako na mabuhay siya.
May malaki akong plano sakanya, at may kailangan akong sagot galing sakanya.Alam niya kung sino ang gustong magpapatay kay Kelly, kaya kailangan niyang mabuhay. Siya ang maaaring makasagot ng lahat.
Oo! Nagsinungaling ako kanina kay Kelly. Di ko sinabi yung buong katotohanan, pero sapat na yun. Wala ng ibang dapat makaalam nang buong katotohanan bukod saming dalawa ni Caloy.
Dahil hindi ko palalagpasin ang pagkakataong kausapin siya ukol dito sa bagay na to." Pare? Pwede mo ba kong samahan sa labas? Mag yoyosi lang ako? Pwede? Sige na. Sandali lang naman."
Tiningnan ko si Paul. At sa pagkakabasa ko sakanya.. May alam siya at gusto niya kong tanungin.
Ayaw ko sana pero hinawakan ako ni Kelly sa kamay ko na ikinagulat ko, dahilan para mapapayag niya ko.
Tiningnan ko ang mata nang babaeng pinakamamahal ko, na ngayon ay mahal na rin ako, saka ako tumayo para sumunod kay Paul.Hindi ko talaga maiwasang matuwa kahit papaano. Hindi ko siya pinilit na mahalin niya ko pero nagawa niya. Nagawa niya ring pawalain ang pagmamahal niya kay Joshua? Pero... Paano?
Siguro, kung paano?? Ay wag ko na sigurong isipin pa yun. Magpasalamat nalang ako dahil sa nagkaroon ng liwanag ang pag asa ko.
Hindi ko sinasabing panliligaw ang tawag sa mga ginagawa ko araw araw twing magkasama kami, pero siguro ay sapat na yun para matawag na effort. Kaya ko pang higitan ang lahat ng yun. Kaya ko pang ibigay ang lahat ng hindi ko pa naibibigay sayo. At lahat ng hihilingin mo.
Nang makarating kami sa labas ng ospital ay parang tanga lang ang iniasta ni Paul. Ibang iba sa akala ko.
Sobrang tahimik at parang nawala ang dila." Pare. Okay ka lang?"
" Ikaw? Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."
" Ha?"
" Hanggang ngayon ba magmamaang maangan ka? Nilo? Di mo pa ba ko lubusang kilala? Kasi ako?? Kilalang kilala na kita. Sinungaling ka! Dakila ka, Pare! Dakila ka!"
Natahimik ako sa sinasabi niya. Di ko man alam ang gusto niyang iparating pero nasisiguro kong tungkol ito sa nangyari kay Caloy.
" Ano? Hanggang ngayon ba itatago mo yung totoo? "
" Wala naman akong tinatago e! Lahat nang sinabi ko sainyo totoo yun!"
" Kaya pala namali ka nang kwento samin ni Kelly kanina. Bakit? May naipagtanto ka ba sa kwento mo na parang epic! Akala mo na ikaw si Lam-ang! Kaya biglang bawi ka kasi naisip mo na ... Ay! Mali!! Kailangan pala maging tragic ang kalabasan nitong nangyari kay Caloy! Hindi Epic?! Pare hindi ako Bobo! May isip ako at pakiramdam! Wag mong hintaying ako ang maglabas ng baho mong yan! Dahil pag ako naglabas niyan! Lahat ilalabas ko, matuwid lang yang buktot na utak mo!"
Nang sabihin niya yun ay di ko maiwasang kabahan. Kaya ko lang to nagagawa ay dahil may kailangan akong iligtas.
Pero kung tutuusin ay gusto ko talagang sabihin ang lahat lahat , pero hindi na muna siguro ngayon, kapag nakausap ko na si Caloy.
At paninindigan ko yun." Wala ka namang alam sa nangayri di ba? Bat nagmamarunong ka? Akala mo ikaw si Rizal? "
" Yun na nga! Wala akong alam! Pero yung bukod tanging may alam ng katotohanan! Ayaw pa atang ipakamit sa kaibigan niya na parang kapatid na rin niya yung hustisyang sinasabi?"
" Hindi sa hindi ko gustong mawalan siya nang hustisya! Binabalanse ko lang yung sitwasyon!!"
" Bakit mo babalansehin? Kelan ka pa naging kamag anak ng gemini? Pare! Di kita maunawaan! Napa'praning ka na! "
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomantizmIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...