PART 67

27 1 0
                                    

KELLY POV

Dumating si Ate makapananghali. Tama nga si Loiuse pupunta dito si Ate, although lagi naman siyang dumadaan dito pero saglit lang, kahapon nga lang siya hindi nagpunta dahil may inaasikaso siya.

Isa pang problema ko ngayon ang pagkawala ni Loiuse na kahit kanino samin ay di niya pinagpaalamanan.
Natatakot tuloy ako dahil baka mamaya ay pinatay na siya.

Wag naman sana!

Pero kung ganoon nga ang nangyari? Sino naman ang gagawa sakanya nun? Si Paul? Pero, Hindi e! Maling mali yun!  Alam kong hindi magagawa ni Paul yun kahit galit siya kay Loiuse, dahil alam kong mabait na tao si Paul.

Baka naman yung pumatay kay Caloy?
Pero... Bakit naman niya iisa isahin ang mga kaibigan ko?

Imposible naman na nagkataon lang na lahat ng malalapit sakin ay biglang napapahamak.
So...
Kung ganun?? Ibig sabihin... Gusto talaga kong patayin nung killer at nadamay lang sakin ang mga taong malalapit sakin?

Wag naman sana! Hindi naman sana ganun yun! Ayaw kong maging dahilan para mapahamak sila.

Pero... Napansin ko lang... Bakit ganun? Mula nang sabihin ko kay Joshua at malaman ni Digna ang tunay kong pagkatao, ay nagsimulang magulo ang lahat. Mayroon nang napapahamak ngayon.

Hindi kaya??

" Kelly? Ano? Tara na! Ireport na natin sa mga pulis ang nangyari. Ako ang bahala."
Tawag sakin ni Ate Kim kaya nawala ako sa iniisip ko.

Sinabi ko kasi sakanya ang pagkawala ni Loiuse kaya inaya niya ko agad sa pulisya para sabihin.
Palalabasin nalang daw na isang araw na itong nawawala para kumilos ang mga ito.

Ramdam ko kasi talaga na hindi siya okay kung nasaan siya. Kaya hangga't maaari ay gusto kong magkaroon ng lakas ng loob hanapin agad siya.
Tama nang may isang taong nagbuwis ng buhay. Ayaw ko nang may sumunod pa.

Nasaktuhan naman na dumating si Nilo galing sakanyang pamamasada kaya isinama na rin namin siya para pumunta sa stasyon. Actually, natuwa nga ako dahil kasama ko siya. 
Pero...
Tahimik lang siya at walang kibo sakin. Kaya medyo naaasar ako. Isa pa to sa mga bagay na ipinagtataka ko.

Nakaakbay lang siya sakin at walang imik. Lagi nalang ganun. Twing titingnan ko siya ngingiti lang. Tapos ay parang napakalalim pa ng mga iniisip niya.

May problema ba siya?

" Nilo? May problema ka ba?"

" Ako? Wala. May iniisip lang ako. "

" Ano naman ang iniisip mo?"

" Wala. Wag mo nang pansinin yun. Wala yun." Nakangiti siya pero alam kong pilit lang iyon.
Gumanti nalang ako ng ngiti sakanya kahit papaano, wag lang niyang mahalata na may nararamdaman akong iba sakanya.

Nangyari lang naman sakanya ang pagiging malamig niya noong namatay si Caloy e. Pati si Paul hindi ko alam kung bakit hindi sila nagpapansinan. Ayaw ko namang magtanong dahil baka magalit siya.
Parehas silang mag bestfriend. Parehas silang may topak sa utak.

Pagkadating namin sa police station ay inexplain namin ang pagkawala ni Loiuse sa isa sa mga kaibigan ni Kuya Ryan. Si SPO2 Romano Trillana Jr.
Noong una ay ayaw pa niya kaming asikasuhin dahil nga daw wala pang 24 hours nawawala si Loiuse, pero napilit namin siya dahil na rin sa kaibigan siya ni Kuya Ryan.

Ipinakita namin ang litrato ni Loiuse at sa hindi ko alam na dahilan ay parang nakita ko ang pagkagulat sakanyang mukha.

" Kilala mo ba siya, Sir?" Tanong ko sakanya pero mabilis siyang nagpalit ng ekspresyon niya at agad sumagot sakin.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon