PART 92

41 1 0
                                    

KELLY POV

Sampung araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente kung saan tatlo ang nagbuwis ng buhay. Si Mabel, si Francine at si Digna pati ang sanggol na nasa sinapupunan nito.

Wala akong ibang sinisisi sa mga nangyari, dahil ayon sa kwento nila, at ayon sa mga naririnig at nalaman ko, ako talaga ang puntirya ni Tito Enrico kaya ako ang may kasalanan nang lahat.

Pero, kahit sinasabi nila na hindi ko kasalanan ang lahat, ay hindi ko pa rin maiwasan na sisihin ang sarili ko sa pagkawala nilang lahat. Wala namang ibang dapat sisihin. Ako lang.

Lagi ko nalang nakikita si Ate Tanya na umiiyak sa pagkawala ni Mabel.
Si Kuya Ryan daw ay naging Cold kay Ate Kim nang mawala si Francine. Actually, ay nakausap pa namin si Francine pero makalipas ang isang araw ay namaalam na rin siya.

Ganoon din ang isa kong kaibigan,
Lagi daw naaalala ni Joshua ang alaala ng Tatay niya at ni Digna.  pati ng sanggol na nasa sinapupunan nito na kahit hindi niya nakasama ay namimiss niya.
Akala ko nga ay tuluyan na siyang magiging mag isa sa buhay niya..
Buti nalang ang Kuya Romano niya, na ngayon ay boyfriend na ni Loiuse ay sa mansyon na nakatira para samahan siya at para maprotektahan siya sa kung sinong magtatangka sa buhay niya. Sabi nga nila, doon daw muna kami para hindi na daw kami gumastos sa lilipatan namin. Pero, ayaw ni Ate.

Nga pala, si Kuya Romano rin ang umayos ng lahat ng gulong nangyari.

Sa pagkamatay ni Tito Enrico ay maraming nabigyan ng hustisya sa mga taong napatay niya nang dahil sakin at ang iba ay dahil sa kasakiman niya.

Noong una ay hindi ako makapaniwala na tinanggap ni Joshua ang pagkatao ni Digna sa kabila nang lahat nang nangyari, pero wala na kong karapatan pang usisain yun dahil iba na ang mahal ko, at hindi ko na kailangan pang pakielaman siya.

Nagsimula ang lahat nang dahil sa akin. Nang dahil sa pagkasuklam sakin ni Tito Enrico, dahil ayaw niya ako ang makatuluyan ng Anak niya. Kaya pala, nagawa niya kong ipapatay. Tapos lahat.. Nadamay na.
Pero, bukod pala sakin ay sinimulan na niya ang lahat sa pamilya niya noon pa man.. Dahil siya rin pala ang pumatay sa mga magulang, kapatid, pamangkin at asawa niya. Maging ang mga taong hindi niya kilala ay pinatay niya rin para lang mapaslang ako.

Kung hindi dahil sakin.. Walang nagbuwis ng buhay.
Kung hindi dahil sakin, walang nagdurusa.
Kung hindi dahil sakin, walang mga pusong umiiyak.
At kung hindi dahil sakin... Walang nabawas sa pamilya ng mga taong gusto lang naman ay tulungan ako.

Bakit ganoon? Sila pa yung napasama?
Bakit sila pa yung napahamak?

Araw araw ko nalang iniisip na sana ay ako nalang ang kinuha nila para patayin at hindi na sila.
Dapat pala ay hindi na ko iniligtas ni Nilo at hinayaan nalang niya ko na mamatay sa talahiban.
Sa ginawa niya ay nadamay pa sila.

Salot ako sa buhay nila.

Haay!...
Sorry.

" Hindi ka na ba talaga mapipigilan? Iiwanan mo talaga ko?" Tanong sakin ni Nilo habang parehas laming nakaupo dito sa tarangkahan ng bahay nila.

Aalis na kasi kami nila Ate, kasama si Kuya Ryan. Lilipat muna kami sa isang apartment pansamantala habang inaayos yung mga papeles ko para makalipad na kami papunta ng France. Nakabalot na rin lahat ng gamit ko at mamaya na ko susunduin nila Ate. Pinipigilan nga ako ni Ate Tanya dahil ayaw daw niyang umalis ako pero, kailangan kasi. Ako man ay ayaw ko pero wala akong magagawa.

" Dadalawin naman kita e." Malamig na sabi ko sakanya.

Alam kong nahahalata niya ang pagkalamig ng pakikitungo ko sakanya. Pero, may nalaman kasi ako na hanggang ngayon ay natatakot akong ikumpirma sakanya.
May na'ikwento kasi sakin si Loiuse about sa isang usapan na narinig niya bago siya kidnap'pin ni Romano. Ang sabi niya ay narinig daw niyang nag uusap si Nilo at si Carol. At gaya ng sinabi sakin ni Carol noong nasa ospital ako, ay nagtugma sa sinasabi ni Loiuse.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon