NILO POV
" Nasaan na si Loiuse? "
Tanong ni Kelly
Kanina pa ito nag ii'sterical pero hindi naman namin mapigilan. Nakaakbay na ko sakanya at kanina ko pa sinasabihan na baka may dinaanan lang ito pero kagabi pa daw ito nagpaalam umuwi.E.. Wala namang umuuwing Loiuse dito kagabi e...
" Umuwi nga siya kagabi hinatid ko pa nga siya hanggang dyan sa lumang bahay ee tapos siya na umuwi mag isa."
" e baka naman may pinuntahan, hindi lang nagpaalam" pangungumbinsi ko sakanya para naman matahimik na siya.
" E saan nga siya pupunta? Wala namang ibang pupuntahan yun? "
" Malay mo.. Nag shopping?"
" Nag shopping?? Nang gabi? At hanggang ngayong tanghali na? Wala pa rin? Nilo naman! Ang tanga naman ng ideya mo! Pag isipan mo naman! "
" E di nga natin alam kung saan siya nagpunta? Ang mabuti pa.. Hintayin nalang natin siya hanggang mamayang gabi.. Dahil hindi rin naman tayo tutulungan ng mga pulis para hanapin siya hangga't walang beinte kwatro oras siyang nawawala."
" Paul? Baka may alam kang pwedeng puntahan ng pinsan mo?"
" Pasensya ka na, Kelly. "
Nang sabihin ni Paul yun ay hindi na siya sumagot sa halip ay umirap ito saming dalawa at pumasok siya sa loob nang padabog. Kaming dalawa nalang ni Paul ang naiwan dito sa labas. Si Ate Tanya kasi at Mabel ay nasa burol ni Caloy. Hindi pa sila Umuuwi.Ewan ko! Naaawa ako kay Caloy. Kailangan kong malaman kung sino ang gumawa sakanya nito at kailangan kong paghigantihan yun kung sino man siya. Hindi lang ito para kay Caloy. Para na rin kay Kelly.
Napatingin ako kay Paul pero napaiwas din ako agad ng tingin. Hindi ko to pinapansin.. Mag ta'tatlong araw na. Ayaw ko muna siyang kausapin baka mainis lang ako sakanya.
Pagka alis ni Kelly ay iiling iling akong sumakay sa tricycle ko saka ako umalis para mamasada, baka mapansin ko rin si Loiuse. Mapauwi tuloy ito para hindi na mag isip nang kung ano si Kelly.
Makahanap din ng impormasyon tungkol doon sa plate number na yun.Alam kong hinahanap na ng mga pulis iyon, pero di ako mapalagay lalo na't alam kong pamilyar sakin ang plate number na yun.
Di ko matandaan kung kanino pero alam kong nakita ko na siya." Nilo! Mag ingat ka." Pagkasabi ni Paul noon ay biglang kinurot ang dibdib ko.
Concern siya sakin at alam niya ang plano ko.Hindi ko siya sinagot at inis'nab ko lang siya.
Bahala na!Pinaandar ko yung tricycle ko saka ako umalis para mamasada.
JOSHUA POV
" Saan ka pupunta, Ate Kim?"
Tanong ko sakanya pagkababa niya ng hagdanan. Pansin ko kasi na lagi nalang siyang umaalis. May inaasikaso daw siya pero ayaw naman sabihin.
" Ah.. Dyan lang."
" Pahatid na kita sa driver?"
" Di na.. Kasama ko naman si Kuya Ryan mo. "
Parang nagmamadali talaga siya na umalis? May tinatago ba siya? Ibang iba kasi siya nitong mga nakaraang araw.
Mula noong... Pinipilit niya kong paniwalaan din yung sinasabi nung babaeng nagpunta dito nung mismong gabi na yun. Noon siya nagsimulang mag iba e.. Pero ayaw kong bigyan ng malisya yun.
Pinagtataka ko pa ay yung pagiging iba niya kinabukasan dahil, sabi niya pagkauwi nila ni Kuya Ryan galing sa kung saang lugar, ay wag ko na nga lang daw pansinin ang sinabi niyang paniwalaan ang mga nagpunta dito lalo na yung babae dahil nabalitaan niyang may lahi daw ng mga may toyo ang mga yun.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...