PART 10

48 6 0
                                    

NILO POV

Gabi na nang umuwi ako sa bahay. Naiinis kasi ako.

Siya na nga tong tinulungan, pero parang galit pa siya!

Asar siya!..

Ipinarada ko lang yung tricycle ko saka ako naglakad papunta sa loob ng bahay. Pero may kung ano ang nagsabi sakin na wag muna kong pumasok kaya ang ginawa ko ay naupo muna ko kung saan kami nakaupo kanina ni Kelly.

Pagkaupo ko ay nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, kaya tiningnan ko kung sino ang nagbukas noon nang hindi tumatayo sa kinauupuan.

At nang sumilay siya ay nagbago ang mood ko. Si Kelly pala.

Ewan ko!. Hindi naman ako galit sakanya. Naiinis lang ako sa sinabi niyang salita sakin na ikinasakit ng damdamin ko.

" Kumain ka na ba? Tulog na sila Ate Tanya... "

" Bakit di ka pa matulog. Matulog ka na gabi na." Walang emosyong sabi ko habang hindi siya tinitingnan.

" Nilo, about sa kanina--"

" Okay. Tama na. Sorry kung niligtas kita, sorry kung kasalanan ko. Sorry!" Sabi ko sakanya at kitang kita ko sa mukha niya ang pagkapahiya.

Nang titigan ko siya ay dahan dahan niyang iniyuko ang ulo niya. Na guilty naman ako sa sinabi ko..

" Sorry. Naiinis lang kasi ako dahil sa sinabi mo sakin kanina.. Ang sakit kaya.. Ikaw na yung tumulong tapos ako pa yung masama... Sorry. Matulog ka na." Sabi ko sakanya habang pinaparamdam sakanya ang walang emosyong boses ko pero may sinseridad sa mga binibitawang salita.

" Sorry, about doon. Nabigla lang kasi ako. Biruin mo... Ang bata ko pa para magdusa ng ganitong kahirap. "

" Naiintindihan naman kita e.. Kaya nga ginagawa ko... Pilit kong inilalagay ang sarili ko sa katayuan mo, para naman madamayan kita.. Para naman sabihin mo sakin na... Hindi lang ako puro daldal at kwento.. at para malaman mo na.. May karanasan din ako na pwede mong mairelate sa kalagayan mo. Para hindi ka maging malungkot. Oo..... Aaminin ko.. Mali rin ako." Sabi ko habang nakatingin sakanya. Pero nang sabihin kong mali ako ay unti unti niyang itinaas ang ulo at tumingin sakin.
" Kasi.... Hindi ko ginawa yung... Puntahan yung nobyo mo o kung sino man sa pamilya mo. Natakot kasi akong lumapit sakanila. Hindi naman kita kilala para sabihin sakanila na ligtas ka at nasamin ka. Nung bumalik nga ako doon sa bahay niyo nung araw ng aksidente... Nakita ko yung lalaki na sigaw ng sigaw, sinisigaw niya yung pangalan ng girlfriend niya.. Kelly daw. Naisip ko noon na... Baka ikaw yung hinahanap niya, pero nung lalapit ako sakanya para sana sabihin... Siya namang lapit ng isang babae sakanya at sinabing... Nasa ospital daw si Kelly, kaya inisip ko na... Baka hindi ikaw yung hinahanap niya. Kasi... Wala namang nakakaalam na dinala kita sa ospital at walang nakakita sa ginawa kong yun.. Kaya... Malakas ang konpiyansa kong... Umuwi at alagaan ka nalang... Kahit hindi kita lubusang kilala. " mahabang kwento ko habang nakikita kong nagsisimula na naman siyang umiyak.

" Sorry. Sorry." Sabi niya habang humihikbing yumakap sakin. Napapikit nalang ako.

Nagiging hobby nito ang yumakap sakin tuwing umiiyak e. Kaasar!. Ke baho baho ko pa naman. Amoy akong pawis at araw!

" Wala yun... Ganun naman talaga... May mga bagay na nasasabi tayo, at marerealize lang natin na mali iyon kapag nakasakit na tayo ng damdamin ng iba. But, still... Nagkakapatawaran." Sabi ko sakanya habang hinahagod ang likod niya.

Nang kumalas siya sa pahkakayakap ko ay ngumiti siya sakin saka umupo.

Baliw ba to? Iiyak.. Ngingiti?

" Pagpasensyahan mo nalang ako. Promise... Hindi na mauulit yun. " sabi niya pagkaupo niya.
Hindi na naman ako sumagot at tumabi ako sakanya.

Pinabayaan ko lang siyang mag isip at tumingin sa malayo.
Nakatingin lang ako sakanya habang pinagmamasdan ang kalahati ng mukha niyang nasunog.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon