PART 6

62 7 2
                                    

NILO POV

Kinabahan ako sa nakausap ko kanina, pero di ako nagpahalata dahil baka mamaya ako pa mapagbintangan niyang nagpasabog ng bahay na yun.

Aaminin kong hindi ko siya kilala, pero nakita ko na siya nung mismong araw ng trahedya. Siya yung lalaking nagwawala dahil nasa loob daw ang girlfriend niya.

Hindi naman ako usiserong tao pero, ewan ko ba! Nung naganap kasi yung pagsabog ay nandun ako sa malapit kung saan naganap ang trahedya. At mula sa kinatatayuan ko noon, ay kitang kita ko ang mga yerong naglilipadan, mga gamit at ng isang katawan na humagis sa talahiban.

Flashback

Habang nagmamaneho ako ng tricycle ko papunta sana sa bahay nila Mrs. Yu upang maghatid ng inorder nilang Pancit na gawa ng kapatid ko ay may narinig akong isang malakas na pagsabog na medyo nagpagalaw pa sa natutulog na lupa sa lugar na yun.

Kitang kita ko ang makakapal na usok at makakapal na apoy.

Inihinto ko ang tricycle ko saka ako bumaba. Pagbaba ko ay kitang kita ko ang pagtalansik ng isang tao mula sa loob ng bahay na ngayon ay bumagsak sa talahiban.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit dali dali akong tumakbo papunta sa lugar na yun. Alam kong mapanganib pero hindi ko inisip ang salitang yun, dahil ang gusto ko mailigtas ko kung sino man ang taong yun.

Kumaripas ako ng takbo habang ang mga makakapal na usok at naglalakihang apoy ay sumasabay sa pagsaliw ng hangin.

Pagkadating ko doon ay nakita ko ang isang babaeng nakadapa at walang malay. Hinawakan ko ang pulso niya at naramdaman kong buhay pa siya. Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko siya at tumakbo ako pabalik sa tricycle ko.

Wala pang masyadong tsismoso't tsismosa ng mga oras na yun. Dahil malayo layo pa ang tricycle ko mula sa bahay kung kaya't hindi ako napansin ng mga taong nakiki ismoso sa nasusunog na mansiyon.

Agad kong isinakay ang babae sa tricycle ko at dinala sa isang public hospital.

Hindi ko alam ang pangalan niya, hindi ko siya kilala pero alam kong kailangan ko siyang tulungan kung kaya't hinintay ko ang balita ng doktorang umasikaso sakanya

" ikaw ba ang kaanak ng pasyente?" Tanong sakin ni Doktora Samartino.

Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko alam ang gagawin ko kaya matagal bago ako sumagot.

" Ahh... Opo.. Pinsan niya ko." Sabi ko habang pinipilit na wag kabahan o makagawa ng kahit na anong ikapapangamba ni doktora

" She is Fine... Buti nalang at second degree burn lang ang natamo na sunog sa katawan niya at sa kalahati ng mukha niya. Ano bang nangyari sakanya?" Sabi ni doktora kaya nagsimula na naman ulit kabahan ang sistema ko.

" Ahhmm... Nagluluto kasi siya... Tapos... Nadulas at natabig niya yung.... Kalan.. Kaya... Ayan.. Tumapon yung mantika sa mukha niya at sa katawan niya." Paliwanag ko.

" I see... Okay.. Sumunod ka sakin.. Reresetahan kita ng gamot. You need to buy those for her para mapabilis ang paghilom ng mga burns niya.. Meron din kaming isasaksak sakanya na mga anti bacteria na nagkakahalaga ng 500 kada isang saksak. She need 3 injections a day.. So, 1,500 a day.. Kaya ba?"

" Okay po.. " sagot ko sakanya.

Hindi naman ako/ kami mayaman para sagutin lahat ng gastos niya. Pero bilang tao, kailangan kong tumulong sa nangangailangan. Kaya hindi ko iisipin ang anu pa man. Kailangan niyang makaligtas.

" By the way... Ano bang pangalan ng pasyente?" Tanong ni Doktora na siyang lalong nagpakaba sakin.

Teka!. Hindi ko alam ang pangalan niya!. Teka!!.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon