PART 17

47 3 0
                                    

NILO POV

Nandito ko ngayon sa kusina at nakatingin kay Kelly. Naghihintay sa kung ano ang sasabihin niya at itatanong niya sakin.

Seryoso siya at nakatingin ng deretso sakin, kaya maging ako ay kinakabahan din. Baka kasi mamaya ay may napapansin siyang kakaiba sakin katulad nang napapansin ng kapatid kong si Mabel.

Wag naman sana.

" Baka pwede mo kong ipasyal bukas." Sunod na sabi niya na parang pinag isipan pa niyang mabuti bago niya bitiwan.

Nangiti naman ako at nakahinga ng medyo maluwag luwag.

Mali ang iniisip ko kanina. Salamat naman!

" Oo naman. Saan mo ba gusto?"

" Kahit saan lang, kasi... Mula nung nagdaang araw diba puro bahay lang ako kaya sana gusto ko lang na makapagpahangin sa ibang lugar. " saad pa niya sakin habang naglalagay ng mga leche flan sa ref.

" Naiiintindihan ko. Saka, okay lang sakin." Sabi ko pero di na siya nagsalita.

Nag isip naman ako nang pwede naming puntahan at pasyalan.

" Sure ka Okay lang sayo? Kasi baka mamaya kailangan mo palang mamasada." Tanong pa niya.

" Ano ka ba? Pwede namang ipagpaliban yun at gawin kinabukasan. Ang mahalaga, masamahan kita para hindi ka naman makaramdam na nag iisa ka lang." Sabi ko sakanya.

" Salamat ha. " sabi niya sakin saka isinara yung pinto ng ref.

Nakatingin lang siya sakin ganun din ako habang nakangiti sakanya.

" Ba't nakangiti ka? " nagtatakang tanong niya, kaya nagbalik ako sa realidad.

" Ha? Ahh... Wala.... Wala... Ano kasi... Ahmm... Tulog na tayo? Para bukas, maaga pa tayo." Nawawala sa sariling sabi ko.

Nahalata niya ang tingin at ngiti ko sakanya. Patay!. Sana naman wag niyang bigyang kahulugan yun.

" O sige, Good Night. " sabi niya saka ako tinapik sa balikat ko.

" Good Night din, Kelly." Sabi ko sakanya saka siya tumalikod at lumakad papunta sa kwarto ko na ngayon ay kwarto na niya.

Tiningnan ko lang siya. At habang papalayo siya parang may gusto pa kong sabihin sakanya na hindi ko pa nasasabi kaya...

" Kelly, saglit." Sigaw ko kaya napatigil siya at napatingin sakin.
" Ahmm... Ano kasi.... Ahmm.. Good night." Hindi ko maintindihang sabi ko kaya medyo natawa siya.

" Matulog ka na nga. Nagiging paulit ulit ka e.. Sige na. Good night na. " sabi niya habang tatawa tawa, kaya pati ako ay kakamot kamot sa ulong napapahiya.

" Kelly. " tawag ko ulit. Kaya lumingon siya na parang medyo naiinis na pero nakangiti pa rin.

" ano?"

" Sweet dreams." Sabi ko sakanya.

" Sweet dreams din. Sige na. Inaantok na rin ako. Last Good night, Nilo. Bye. " Sabi niya nang nakangiti saka tuluyang pumasok na sa kwartong iyon.

Nakatingin lang ako sa pintuang pinasukan niya habang nagtatalo ang ngiti at pagkapahiya ko sakanya.

Lumakad ako at pumunta ako sa pintuang pinasukan niya saka ko itinapat ang tenga ko roon.

Nakapikit akong dinama ang nga maliliit na ugong na naririnig ko na gawa ng hangin at mga kuliglig sa labas.

' Kelly, I Love You.' Sabi ng isip ko saka ko idinilat ang mga mata ko.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon