THE END
LOIUSE POV
Nandito ko ngayon sa isang park.
Ang pingtataka ko, bakit ganoon?
Walang katao tao dito. Kahit mga batang naglalaro o kaya ay magkasintahan at maging mga namamasyal lang na magkakaibigan ay wala.Bakit ba kasi dito pa napili ni Romano na magkita kami. Pwede naman kasing sa bahay nalang at sunduin niya ko doon pagkatapos niyang ayusin yung kaso sa prisinto.
Bwiset. Pinamasahe pa ko para dito maghintay sakanya. E parang horror naman kasi ang dating e. Kaasar.
Yung totoo?
Park ba talaga ito? Pero bakit kasi walang tao. Saka bakit ganito ang itsura?
Puno ng mga lantang dahon ang paligid.
Hindi ba ito nililinis?Naupo ako sa isang bench at nang maupo ako ay biglang naglabasan ang mga tao.
Hala?
Nanlaki talaga ang mga mata ko sa biglaan nilang pagdating.
Nananaginip ba ko??
Saan mga nanggaling yun?
" Wag kang kikilos ng masama, itaas mo ang mga kamay mo. Sumama ka sakin nang tahimik. Hindi ka masasaktan"
Sabi ng isang boses sa likod ko habang may nakatutok na matigas na bagay sa ulo ko.Sa tingin ko ay baril yun.
Ahhh!!
Tulong!!
Ano ba yong nangyayari sakin!!Romano!! Kasalanan mo to! Papatayin talaga kita kahit na Boyfriend kita! Bwiset ka!!
Mag de'date lang kasi tayo ang dami mo pang arte!!
Ahh!!
Pinilit kong alamin yung boses niya pero hindi ko kilala ang boses na yun kaya sumunod nalang ako.
Mga nakatanaw yung tao sakin pero di nila ko tinutulungan o di kaya ay umalis na sila para di madamay pero hindi nila ginagawa.
Ano to?
Bakit sila ganyan? Wala silang balak tulungan ako?Ahh!!
Asar!!
Nang makarating kami sa gitna nang park ay bigla siyang nagpaputok ng baril sa taas at doon nagtakbuhan ang mga tao.
Tatakbo na rin sana ko kaso ay nakahawak siya sakin kaya hindi ko magawa, baka mamaya ay barilin niya ko." Ano?! Mayroon bang magliligtas sa babaeng ito!! " sigaw niya sa nga taong nandoon tapos ay itinapat niya ang baril sa sintido ko.
Hala!!
Sumagot naman kayo please oh!
Nasa ganoong pag iisip ako nang bigla kong makita ang isang lalaking......
Romano??
Shit!!
Tulungan mo ko!
Bilis!!" Loiuse!!!" Sigaw iya habang tumatakbo papunta sakin.
Kitang kita ko siya dahil naka uniporme pa siya ng pampulis.Diyos ko!!!
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...