TANYA POV
Naglalakad ako sa hallway ng ospital. Nandoon na kasi sa kwarto si Kim at Ryan para magbantay kay Kelly.
Ako naman ay uuwi dahil si Mabel ay walang kasama roon saka gusto kong gumawa ng paraan para mahanap ang kapatid ko.
Natatakot ako sa mga iniisip ko. At natatakot ako dahil ilang araw na ang nakakaraan ay wala pa ring akong balita sakanya.Habang naglalakad ako ay nainis ako dahil sa pagsunod sakin ni Paul.
" Tanya! Tanya, kausapin mo ko."
" Layuan mo nga ako."
Walang emosyong sabi ko sakanya saka nagpatuloy sa paglalakad.
Hangga't maaari ay ayaw kong mainis sakanya dahil kahapon pa siya." Tanya, naman! Paniwalaan mo naman kasi ako!!"
" Sabihin mo sakin kung ano ba talaga ang tunay na nangyari? Bakit may barilan at mayroong pagsabog kahapon sa labas ng ospital!"
Nag iinit ang ulong tanong ko kay Paul. Kahapon ko pa siya tinatanong pero wala siyang ibang sinasabi kung hindi puro hindi niya alam.
Naiinis ako sakanya dahil hanggang ngayon ay walang balita ang mga pulis sa kapatid ko.
Malakas talaga ang kutob ko na may ginawa ang dalawang ito kaya pinag iinitan sila. Pero, ayaw namang umamin nito. Paano kaya malalaman yung katotohanan.
Nakakainis!Pag may nangyaring masama sa kapatid ko ay siya lang ang sisisihin ko!
" Hindi ko nga alam?"
Ayan na naman!
Taragis," Hindi mo alam! Puro ka hindi mo alam! Pero takot na takot ka! Paul naman! Nagsisinungaling ka na naman! Siguro'y may ginawa kayong kalokohan ni Nilo kaya kayong dalawa ang pinupuntirya!"
Habang sinasabi ko iyon ay dinuduro ko siya ng daliri ko. Hindi ko na talaga mapigilan dahil galit na galit na ko at rinding rindi na ko.
Siya naman ay hindi nagbabago ang itsura. Para siyang matatae na ewan.
Pero alam kong may tinatago siya!Bakit ba kasi ayaw pa niyang aminin!
" Wala nga! Ilang beses ko bang sasabihin sayo! Na wala! Kahapon ka pa ha!"
At siya pa talaga ang nagalit?
Wow naman!Masama na pala ang magtanong at mangulit sa ganitong bagay!
Shit! Kapatid ko nawawala! At kahapon lang ay siya mismong boyfriend ko ang pinagtangkaang patayin.
Tapos ay ako pa ang makulit.Mali bang mag alala sakanila?!
" Alam mo! Hindi ako tanga! Nakikita ko at nababasa ko ang kilos niyong dalawa ni Nilo! Kunwari pa kayong hindi nagpapansinan para hindi kayo mahalata na may ginagawang masama! Pero deep inside! Ang dami niyong nagagawang bagay na mali kaya ayan! Ginagantihan kayo! "
" wala nga akong ginagawang masama!"
Sige! Ipilit mo pa! Sasapakin na kita, kahapon ka pa!
Kung hindi lang ako pinigilan ni Kim at ni Ryan ay nasapak ko na to.
Nagtanong din si Kelly kung ano ang nangyayari pero di namin sinabi.
Ganun din kay Nilo. Di niya alam ang tungkol sa pagkawala ni Nilo.
Baka kasi, masira ang operasyon niya gayong sa sabado na tatanggalin yung nasa mukha niya.
Excited nga ako kahit papaano, dahil makikita ko na ang tunay na itsura niya.. Pero... Natatakot ako kasi. Hanggang ngayon ay wala pa si Nilo." At sinasabi mo na ang kapatid ko ang mayroong ginagawang masama kaya siya nawawala! Ahh! Kaya pala parehas kayong pinupuntirya nung mga mamamatay tao na yun!"
" Hindi nga ako yun! Ano ba?! Bakit ba hirap na hirap kang paniwalaan ako!"
" Dahil hindi kapani paniwala yang mga sinasabi mo! Paul! Isang taon na kitang kasama! Kilala ko na ang ugali mo! Hindi mo kayang magsinungaling kung wala kang tinatago na importante! Paul! Kapatid ko ay nawawala! Ikaw ay pinagbababaril kahapon! Tapos ay wala kang ginagawang masama?! Punyeta ka naman! Napakasinungaling mo! "
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...