PART 61

24 1 3
                                    

KELLY POV

Natapos ang gabing iyon nang satingin ko kahit papaano ay di nasayang ang lahat ng pag iyak ko at pagmamakaawa ko. Alam kong hindi iyon sobrang habang pag uusap at paliwanagan pero kahit ganoon... Nagpapasalamat pa rin ako dahil.... Nabigyan ako nang pagkakataong paniwalaan ng Ate ko. Kahit hindi si Joshua, okay na ko. Sakanya na si Joshua. Si Nilo na ang mahal ko.

Kinabukasan ay tinawagan ko si Ate at nakipagkita ko sakanya. Kasama niya si Kuya Ryan at ako naman ay si Ate Tanya. Dapat ay si Nilo pero di ko siya mahanap at makita. Kaya sabi ni Ate Tanya.. Siya nalang daw ang sasama sakin.

Sa umpisa nang pag uusap namin ay kinuwento ko lahat ng nakaraan namin para mapaniwala ko siya. Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla nalang siyang umiyak. Tumayo at yumakap sakin.

Napuno nang iyakan sa pagitan naming dalawa ang restaurant na kinalalagyan namin ngayon, pero napawi rin iyon dahil sabi niya sakin tumahan na ako at wag nang magpakaiyakin. Nag sorry siya sa lahat nang nagawa niya sakin at kay Ate Tanya kagabi, na agad naming pinagbigyan.

Hinanap ko si Joshua pero sabi ni Ate, hindi daw naniniwala si Joshua sakin... Bagay na ikinasakit ng kalooban ko. Pero agad napalis yun, nang maalala kong... Hindi lang siya ang mahal ko... Si Nilo. Si Nilo ang mamahalin ko. At ibibigay ko sakanya ang pagmamahal ko na dati ay nasa iyo.

Gustong makita ni Ate ang lugar namin para daw sana madalaw niya ko lagi. Kaya ang ginawa ko ay sinama namin siya ni Ate Tanya.

" Dito kayo nakatira? "
Tanong ni Ate nang makapasok kami sa loob ng bahay.

" Oo, Ate? Simpleng bahay pero welcome ako dito... Binigyan nila ko nang sariling kwarto at hindi nila ko pinabayaan nung panahon na... Wala talagang mapuntahan."

" Tanya.. Gusto ko talagang magpasalamat sayo. Sobrang utang ko sayo ang loob ko."

" Ano ka ba, Kim! Wala yun. Parang kapatid na nga ang turing namin dyan kay Kelly e.. Ahmm... Wait lang!. Kukuha lang ako ng miryenda sa tindahan ko ha. Para naman makapag miryenda kayo."

" Ay hindi wag na." Pagpigil ni Ate Kim.

" Sige na Ate. Masarap magluto si Ate Tanya. Pumayag ka na. Diba Kuya Ryan?"

Pagbubuhat ko sa bangko ni Ate dahil alam ko naman na masarap siyang magluto. Kaya ang isa pang ginawa ko ay kinausap ko si Kuya Ryan para hingan ng sagot para magbago isip ni Ate.

" Oo nga naman. Pumayag ka na dahil hanggang mamaya pa tayo dito. Magkekwentuhan pa kayo ni Kelly."

" O sige na nga. "

Nang sumang ayon si Ate Kim ay lumakad na si Ate Tanya.

" Ilan kayo dito?"

" Actually, noong una. Apat kami.. Hanggang sa naging Lima dahil dumagdag si Paul tapos ngayon anim kami. Pero sa samahan namin.. Pito kami, kasi yung isa taga dito lang siya pero laging nandito dahil nandito si Mabel. Yung sinisinta niya."

" May sarili kang kwarto?"

" Oo, Ate. Ibinigay ni Nilo yung kwarto niya sakin." Medyo nangingiting sabi ko.

" e nasaan na si Nilo? Gusto kong humingi ng sorry sakanya, saka gusto ko ring magpasalamat sa kabaitan niya sayo, lalo na sa pagliligtas niya at pagunawa sayo lagi."

" Ala nga siya e.. Kanina ko pa siya hinahanap dapat siya yung isasama ko kaso,... Wala siya... Pero.. Wala namang ibang pupuntahan yun e.. Siguro... Namasada ng tricycle nila ni Paul. Parehas wala yung tricycle dito e"

Gumuhit ang lungkot sa mukha ko at naglabasan ang pag aalala ko kay Nilo. Alam kong namamasada siya ngayon at posible yun dahil parehas silang wala ni Paul. Pero may mga bagay din kasing kakaiba sakanya these past few days na hindi ko maintindihan.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon