PART 62

26 1 2
                                    

NILO POV

Sinadya kong wag umuwi nang maaga sa bahay. Sinadya ko rin kanina na maagang umalis at yayaing mamasada si Paul dahil alam kong di ko kayang samahan si Kelly. Alam ko kasing malalaman na nila yung totoo at ayaw kong marinig iyon sa mismong pandinig ko. Lalo na si Joshua. Alam kong tuwang tuwa iyon pag nagkataon.

Alam ko naman na mangyayari iyon, pero natatakot ako at masasabi kong... Magiging kulang ako kung kunin nila si Kelly sakin.

Napaka ma'pride ko! Inuna ko pa ang sarili ko bago ko samahan si Kelly. Bagay na hindi ko dapat ginawa!

Akala ni Paul namasada ko pagkatapos kong umalis doon sa toda kanina, pero ang di niya alam pagkatapos kong ihatid makapananghali ang isang pasahero ko ay tumungo ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente ni Kelly.

Pagkadating ko doon ay ipinarada ko ang tricycle ko sa lugar kung saan malayo sa bahay. Mahirap na.

Mukhang hindi na ito inasikaso ng mga pulis. Mukha na ring hunted ang itsura nito dahil tinutubuan na rin ito ng mga damo sa sahig nitong gusali na to at sa mga gilid gilid nito. Ginamitan na rin nila itong gusali na ito ng vandalism. Kawawang bahay. Dating maganda at kahangahanga sa paningin, ngayon ay sinasalahula at pinamumugaran nalang nang masasamang tao o kaya'y masasamang elemento.

Ewan ko ba kung bakit nandito ko, pero isa ito sa mga lugar na mahalaga kay Kelly noon kaya siguro mahalaga rin 'to sakin.
At syempre, itong lugar na to ang naging dahilan kung bakit kami nagkita.

Pumasok ako sa loob, inisip ko at pinagana ko ang imahinasyon ko kung gaano kaganda ang lugar na ito noon.

Natapat ako sa hagdanan. Inisip ko noong una ay baka pag tapak ko roon bumagsak ako. Yun din kasi ang iniisip ko noon, noong unang punta ko rito. Pero dahil sa kyuryosidad ko, dahan dahan kong hinakbang ang mga paa ko hanggang sa makarating ako sa itaas.

Buti kahit papaano ay hindi nagiba ito, sa lakas ng pagsabog ay may mga cracks lang na naiwan sa mga sahig at pader.

May nakita kong isang kwarto. Wala na tong pintuan kaya pinasok ko na. Wala na namang privacy tong place na to.
Mabaho dito. Amoy gamot na ewan. Tinakpan ko ang ilong ko saka ko ipinagpatuloy ang paglalakad.

" Bodega siguro to?" Usal ko sa sarili ko. Nakita ko rin kasi na may mga bagay dito na hindi masyadong nasunog.

May napansin naman akong isang photo album na sunog pero parang may makikita pa naman ako kahit papaano kaya kinuha ko yun at binuksan.

Puro kalahati lang ang unang nakita ko dahil nga sunog ito, pero nagulat ako dahil pagbuklat ko ay may biglang nalaglag na parang Kwintas sa tantsa ko dahil may pendant akong nakita doon. Pinulot ko agad yun at ang nakalagay na pendant doon ay pangalan ni Kelly.

" Ibig sabihin?? Hindi bodega to? Kwarto ni Kelly? " sabi ko sa sarili ko pero naisip ko rin naman na pwede niya tong itambak sa bodega.
Napatikhim ako ng hangin nang maisip ko yun.

Pero pagtayo ko ay may narinig akong isang putok ng baril. Bagay na ikinagulat ko kaya nabagsak ko yung photo album na hawak ko.

Ano yun??

Agad akong lumabas ng kwartong yun at sumilip ako sa ibaba dahil alam kong malapit lang sakin ang putok ng baril na yun dahil napakalakas noon sa pandinig ko.

Pero lalo akong nagulantang nang isang pagputok pa ng baril ang narinig ko.

Nanlaki ang mata ko habang nagtatago sa nakikita ko.
Natitiyak kong sila yung apat na lalaki noong gabi.
Nakatalikod ngayon sakin yung lalaking may hawak ng baril kaya hindi ko pa rin kita ang mga mukha nila.
Nakahandusay na yung dalawa. Habang yung isa naman ay nakayuko at parang nakikipag usap.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon