PART 88

23 1 2
                                    

NILO POV

Nabwiset talaga ko nang makita ko na ang daming nakaparadang sasakyan sa harap nang bahay namin pero pagpasok ko roon ay wala naman pala si Kelly.
At lalo pa kong nabwiset dahil sa dami nang pwede kong makita roon ay yung hinayupak pang anak nung demonyong kumid'nap sakin at pumatay kay Caloy.

Putsa!

Ang layo layo nang nilakbay ko at tinakasan ko para lang makatakas at makarating ng ligtas sa pupuntahan ko, at nang makarating ako ng Maynila ay sa Ospital ako agad pumunta, pero wala si Kelly doon. Wala silang lahat doon. At ang sabi nung nurse na naabutan ko roon na nagliligpit ng mga gamit sa kwarto ay kauuwi lang daw ng mga ito, pero wala silang nabanggit na iba.
Nag aalala talaga ko kaya ang ginawa ko ay nagmadali akong umuwi, pero, putsa!
pagkauwi ko ay dapat pala talaga kong mag-alala, dahil sa nawawala pala si Kelly.

Mali talaga na na'kidnap ako. Hindi ko tuloy siya naalagaan at nabantayan.
Tagaris!
Pag may nangyaring masama kay Kelly, putsa! Di ko talaga mapapatawad ang sarili ko! At pati yang walang hiyang, hayop na Joshua na yan ay papatayin ko para patas lang ang lahat.

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Kelly, pero may ideya ako kung saan ko siya pupuntahan.
Mabilis akong naglakad para mapuntahan ko si Kelly agad agad. Ayaw kong may masayang na oras at panahon para hindi siya agad mapuntahan.

Miss na miss ko na siya.
Nag aalala na ko sakanya.
At Mahal na Mahal ko siya kaya kailangan ko siyang iligtas sa kapahamakang nagbabanta sakanya.

Pero sa paglalakad ko ay di ko naiwasang mainis ulit, dahil sa di inaasahan ay mas lalo pa kong nabibwiset sa mga taong sumusunod ngayon sakin.
Kanina pa sila tawag ng tawag at habol ng habol sakin. Kaya ang ginawa ko ay nilingon ko sila ng isang beses pero napa'maang ako dahil yung lalaking yun ang kasama niya. Gusto kong umiwas sa gulo na pwede kong ihatid sakanya kaya wag siyang makalapit lapit, dahil sa oras na lumapit siya at magpakita siya sakin ay talagang hindi ko mapipigilan ang sarili kong umbagan ulit ang mukha niya.

" Pare! Pare! Saglit lang! Hintayin mo kami, sasamahan ka namin." Sigaw ni Paul pero hindi ko na talaga siya pinapansin. Hindi ko naman gustong gawin sakanya ang bagay na ito pero ayaw kong makita ang itsura ng lalaking alam kong kasama niya. Baka masapak ko na naman siya ganitong nanginginig ang kamao ko dahil nakulangan ako sa pagsapak ko sakanya.

Kulang na kulang talaga yung ginawa ko sakanyang pananakit kanina. Kung hindi lang talaga ko inaw at ay hindi lang pasa sa mukha niya ang aabutin niya. Pati sa katawan niya ay bibigyan ko ng pasa gaya ng ginawa sakin ng Demonyo niyang Tatay.

Kaya wag siyang manubok na makalapit lapit sakin dahil talagang hindi ko siya titigilan hanggang hindi siya nalalamog.

" Nilo! Ano ba?! Kanina pa ko tawag ng tawag ha! Bakit parang wala kang naririnig!" Sita sakin ni Paul pero naglakad lang ako habang sumusunod sila sakin

" Nagmamadali ako, Pare. Kaya pwede ba? Tigilan mo ang kakatanong mo. Saka.. Ilayo mo sakin yang kasama mo. Baka di ako makapagpigil. Bugbugin ko yan."

" Gusto ko lang makatulong." Sabi niya kaya ang ginawa ko ay hinarap ko siya at tinulak ko kaya napahawak siya kay Paul para di mapatumba.

" Nilo, Pare! Ano ba!" Awat sakin ni Paul, pero di ko siya pinapansin.

" Gusto mong makatulong! Ha! E ikaw nga ang nagpahamak sa buhay ni Kelly e! Dahil yang Ama mo! Yan ang gustong pumatay sakanya! Parehas kayo! Kademonyohan at kawalanghiyaan ang hatid!" Sabi ko sakanya habang tinutulak tulak siya.

" Wala akong kinalaman sa lahat nang nangyayari, Bro! Lately ko lang nalaman ang lahat!"

" Lately! Lately'hin mo mukha mo, Ugok! Aminin mo na kasabwat ka! "

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon