PART 54

29 1 0
                                    

JOSHUA POV

" pare, beer oh."

" Salamat" sabi ko nang bigyan kami ng beer na nasa can ni Kuya Ryan na ngayon ay tumabi samin ni Lambert.

" Ano ba iniisip mo? Napakalalim naman ata? Haha"

Hindi ko talaga maiwasang mag isip tungkol doon sa dalawang taong pumunta dito nung isang araw. Aaminin kong hindi na sila nawala sa isip ko lalo na yung mga sinasabi nila.

Yung sinasabi nung lalaki.. Sinabi na rin sakin ni Kelly yun dati... Yung tungkol doon sa ahas.  Yung mapapahamak daw. Bakit parang may koneksyon yung sinabi niya? Mag ingat kami? Pero bakit? Saka sino yung sinasabi niyang nakatira dito sa bahay namin na binibilog lang ang ulo namin.

Kilala ko si Lambert. Hindi niya gagawin yun. Si Ate Kim man at lalo si Kelly.

Posible kayang sina Kuya Ryan at Francine yung sinasabi niya? Pero... Hindi naman siya mukhang manghuhula para mahulaan niya yun. Ngunit iba yung dating sakin... Parang napakaraming sikreto ang nakatago sa taong sinasabi niya.
Kinakabahan ako kung sino yun.
Mayroong kutob na nagsasabi sakin na baka si Kelly ang sinasabi niya, pero hindi ko siya paghihinalaan ng ganun lalo na't mahal ko siya. Oo. Alam kong nitong naoperahan siya ay nagbago siya. Sa kilos, pananalita, ugali at kung ano pang mga bagay na meron si Kelly noon na wala na ngayon. Iniisip ko nalang na, baka nga dahil sa nangyari ay ayaw na niyang maging mabait.

Hindi ko dapat siya paghinalaan. Kung meron mang dapat gawin ay iyon ang kailangan kong alamin at pagmasdan silang lahat. Hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Ginugulo nila ko. Pero kailangan kong kumilos para hindi na maulit ang dati

" Okay lang ako. Iniisip ko lang yung negosyo." Matagal bago ko nagsalita kaya tumikhim ako ng hangin dahil sa nahihirapan na yung utak ko.

" Insan. May napansin ka ba doon sa dalawang nagpunta dito nung isang araw?"

Nagtanong pa naman itong gagong to. Ayaw ko na ngang isipin e, ipapaisip na na naman sakin.

" Sayang nga at wala ako dito e. Sayang at di ko napanood ang mga fighting scenes." Tatawa tawang sabi ni Kuya Ryan hindi ko na yun pinansin.

" Ano?"

" Napansin ko kasi na.. May pagkahawig sila ni----"

" Sir. May bisita po kayo. Papapasukin ko po ba?"

" Baka naman yung dalawa lang yan ha. Wag mo nang papasukin."

" Hindi po sir Lambert. Dalawang babae po e."

Sino naman kaya iyon?

" Ah... Sige papasukin mo."

" Iba ka na talaga, Insan! May Kelly ka na! May dalawang chicks ka pa! Haha. Bigyan mo naman kami ni Kuya Ryan."

" Ay! Pass ako dyan! Hindi pwede! Magagalit ang Ate Kim niyo. Ikaw nalang Ryan. Wala ka namang Girlfriend diba?"

" Kahit wala akong girlfiend pogi ako Kuya. Ayaw ko lang talaga ng relationgship."

Napatingin ako sakanya nang sabihin niya yun..
Sa pagkakatanda ko kasi, lahat nan niligawan niya ay binasted siya.

Bahala kayong mag utuang dalawa dyan.
Lasing ka na Kuya Ryan kapag sinang-ayunan mo at pinaniwalaan yan.

Okay! Back to the reality!
Nasaan na nga ba yung iniisip ko kanina.
Ahh!! Yung sinasabi ni Lambert.

" Ano yung sinasabi mo Lambert?" Pagputol ko aa tawanan nilang dalawa.

" Ang alin? "

" Yung sinasabi mo kanina bago dumating si Manang."

" Ahh!!!........ Nakalimutan ko na e. Pagnaalala ko nalang."

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon