KELLY POV
" Saan ka galing? " tanong sakin ni Mabel dahil hindi naman ako nagpaalam sakanila at umalis nalang ako kanina habang nandito kami sa panciteria/carinderia.
" Oo nga, Bes? Saan ka ba galing? hinanap na kita sa bahay pero wala ka daw dun sabi nila Nilo."
Hala!!
Alam na nila Nilo na nawawala ako? So, ibig sabihin... Mag aalala yun. Hahanapin ako nun.
At ang una niyang pupuntahan ay... Sa bahay nila Joshua.
Naku hindi! Baka mapahamak siya! Ayaw kong mapag-abot sila ni Joshua kung sakali man.
" hinahanap ba nila ko ngayon?" Natataranta na sabi ko pero di ko pinapakita yun. Ayaw kong magtaka sila.
" di ko lang alam. Baka ka'ko may pinuntahan lang kayo ni Mabel e yun yung sabi ko."
" Hoy! Lokaret! Nandito ko kanina pa! ako pa dinahilan mo! Gusto mo talaga nang away noh!"
" E sino idadahilan ko? Si Tanya? My God! Hindi maniniwala yung mga yun. Gusto ko lang naman wag muna silang mag alala. Dahil alam kong babalik naman to."
Pagkasabi nun ni Loiuse ay parang may kung ano sa dibdib ko ang natuwa. Kahit hindi ko sinabi kung saan ako pumunta, alam kong alam niya kung saan iyon.
Kahit pala papaano ay hindi nawala talaga ang tiwala niya sakin.
" Huh! Ewan ko sayo. Ikaw naman kasi Ate Kelly, saan ka ba talaga galing? Papatayin mo kami sa nerbyos e."
" Uuwi muna ko. Masama pakiramdam ko e. Sige." Pagiwas ko sa tanong niya saka umalis kahit wala silang sagot.
Kinabahan ako bigla. Nararamdaman mo kasi na hahanapin ako ni Nilo. At ayaw kong mangyari yun.
Alam kong may atraso pa siya sakin nung isang gabi pero napaliwanag na niya yun.. Pero?? Ako? Paano ko mapapaliwanag sakanya ang nagawa kong to?Pero??
Di ko naman siya kailangang paliwanagan diba? Si Joshua naman yung binabalikan ko, yung boyfriend ko... Pero.... Di ko alam kung mahal pa ko o mahal ko pa.
Naguguluhan na ko! Ayaw ko na!
Di ko alam kung sino ang pipiliin ko sakanilang dalawa dahil alam kong parehas ko silang mahal.
Ang hirap! Sobrang hirap.Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko silang dalawa ni Paul na nagtatawanan. Nanonood ng t.v kaya ako naman ay medyo natuwa kahit papaano.
" Kelly? Nandyan ka na pala? Saan ka galing?" Tanong niya sakin pero nginitian ko lang siya saka umupo malapit sa tabi niya.
" Pinabili lang kami ni Mabel ng toyo sa bayan. Bakit? Nagpunta ka ba roon?"Nakatitig siya sakin na para bang binabasa yung sinasabi ko at kinikilos ko kaya ako naman ay lalong hindi nagpahalata.
" Hinahap ka kasi ni Loiuse dito. Akala ko, umalis ka mag isa. Pero sabi nga niya, kasama mo si Mabel hindi nga lang niya alam kung saan kayo nagpunta....."
Nakangiti siya habang sinasabi niya yun at ako rin sakanya. Pero nagulat ako sa dinugtong niya.
" Akala ko nga nagpunta kayo sa bahay nila Joshua para maipagtabuyan ka na naman."" Hindi ah!" Agad na sabi ko.
" Oh? Wala naman akong sinasabi na ganun.. Baka lang ka'ko kaya nawala kayo. Eto naman! "
Hindi ko na siya sinagot sa halip ay tumingin nalang ako sa pinanunuod nila. Natanaw ko pa si Paul na umiiling iling.
Ano ang ibig sabihin ng pag iling niya? Tungkol ba to sa pinapanood niya? O opinyon niya sa naririnig niya saming dalawa ni Nilo.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...