Nasa loob ng sasakyan ang isang babae. May suot siyang earphone sakanyang mga tainga.
Halos walang naririnig sa paligid niya kundi ang ingay ng musika na nanggagaling sa cellphone niya na dumadaloy sa earphone na suot niya.Hinihintay lang niya ang kanyang nobyo dahil may binili ito sa loob ng isang maliit na supermarket. Hindi na siya sumama dahil alam niyang sandali lang naman ang ipupunta nila doon at lalabas din kaagad.
Sa kanyang pagmamasid sa labas ng sasakyan ay may nakita siyang isang matandang babae na naglalakad. Gusgusin ito at mabagal nang lumakad. Noong una, hindi niya pinansin ito, ngunit ng makita niya itong nadapa ay agad agad siyang lumabas sa sasakyan at tinulungan ang matandang nadapa para itayo.
" Ayos lang po ba kayo?. Halika po, tumayo po kayo.. " Pag anyaya ni Kelly sa Babaeng nadapa.
" Salamat iha. " nakangiti at tila ba puno ng pagpapasalamat ang mukha ng matanda.
" Sa susunod po mag iingat na po kayo, Ale.. Baka po mamaya ay maaksidente po kayo. " pagpapayo ni Kelly ngunit nginitian lang siya nito.
Sa ngayon ay hawak ng babae ang kanyang kamay. Kaya nang alisin niya ito ay nagulat siya sa sinasabi sakanya ng babae.
" Mag iingat ka, Iha. May mangyayaring masama sayo."
" Po?. Ano po bang sinasabi niyo?." Nakangiti ngunit naguguluhan na tanong ni Kelly
" Nabasa ko sa palad mo na may mangyayaring hindi mo magugustuhan.. Isang pangyayaring magpapabago sa buhay ng lahat... Sa buhay ng mga taong mahal mo, ng mga makikilala mo at sa Buhay mo."
" Ale... Kung hula po yan, hindi po ako naniniwala. Kaya po... Mauuna na po ako mag---" hindi na natapos pa ni Kelly ang sasabihin niya ng bigla siyang pangunahan at pag taasan ng boses ng matanda na siyang kinatakot niya.
" Maniwala ka!!. Mawawala ka sa buhay nila, pero hindi sila sa buhay mo!. Mag iingat ka, Iha!. Mag iingat ka!. May ahas na tutuklaw sayo habang nakatalikod ka... Yun ang iwasan mo... Yun ang magpapahamak sayo. Yun ang maglalayo sayo sakanila."
" Si---guro... Gutom lang po yan.. Sandali ho.. Kukuha po ako ng pera sa---"
" Hindi pa ko nagkakamali sa mga sinasabi ko... Alam ko... At nakita ko ang kahihinatnan mo.. Mag ingat ka. Yun lang ang nararapat mong gawin. " sabi nito at walang ano ano ay tinalikuran niya si Kelly na hanggang ngayon ay nagtataasan ang mga balahibo at panay ang malalakas na tibok ng kanyang puso dahil sa kaba at sa takot.
Nakatulala siyang sinusundan ng tingin ang matanda ng biglang...
" Ahhh!!" Sigaw niya dahil may humawak sa balikat niya. Pagtingin niya, ay si Joshua lang pala. Ang kanyang Nobyo.
" Bakit sumisigaw ka?. Saka bakit nasa labas ka? Akala ko ba gusto mo sa kotse ka lang?." Sunod sunod na tanong ni Joshua sakanya, pero sa halip na sumagot ay yumakap siya sa rito.
" Teka. Teka.. May problema ba?. Is there something wrong?. Tell me what happened?" Tanong ulit nito habang nakayakap ng mahigpit sakanya si Kelly.
" Yung matanda, Josh. Sabi niya... Maaaksidente daw ako. Sabi niya... Mawawala daw lahat sakin.. Josh, natatakot ako." Nanginginig at mangiyak ngiyak na kwento ni Kelly.
" At kelan ka pa naniwala sa mga hula?. Kelly... Look at me.. Hindi totoo yun... Wag mo siyang paniwalaan. Ang mga taong ganun, wala lang magawa sa buhay nila kaya nanggugulo ng buhay ng iba."
" paano kung totoo?."
" Hindi magkakatotoo yun.. Ikaw pa ba?. Sa pagkakakilala ko sayo e, palaban at matapang ka.. Yun nga lang... May kahinahan."
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...