PART 95

23 1 0
                                    

KELLY POV

Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Nilo?
Anong oras na? Ang paalam nito kay Ate Tanya at kay Paul ay may bibilhin lang para sakin, pero bakit alas quatro na ay wala pa rin siya.

Nag aalala na ko. Baka kung ano na ang nangyari sakanya at napahamak siya.

Diyos ko! Wag naman sana!
Ano ba naman ang mga pinag iisip ko!

Nagtext pa siya sakin kanina e..
Pero sinusubukan kong tawagan yung numero na yun ay hindi naman sinasagot. Panay na rin ang text na ginawa ko pero di naman nagrereply.

Sino ba ang kasama niya!
Sandali lang daw siya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Nilo! Nasan ka na ba?!

" Nagtext na ba siya? Na'contact mo na siya? Kung gusto mo hanapin nalang natin siya?"
Tanong sakin ni Joshua pero di ko siya pinapansin.

Kanina pa niya ko kinakausap pero hindi ko siya masyadong pinagkakausap.
Pag magtatanong siya ay sasagutin ko pero hindi ako ang nagsisimula ng usapan, laging siya.
Pakiramdam ko tuloy ay pinangangahulugan niya sakin na, interesado pa rin siya sakin. Bagay na hindi ko na nais pa.

Kung saan ako pupunta ay magugulat nalang ako at nakasunod siya.

Gusto ko tuloy siyang sapakin.

" Ate Tanya. Nakontact mo?"

" Hindi nga rin e. Saan na ba nagpunta yung batang yun! Ano ba huling text sayo."

" Ang sabi niya ay malelate daw siya, dahil nakita daw po siya ng isang kabarkada niya at pinilit siyang sumama. Pero, pupunta naman daw po siya. Pero hanggang ngayon ay wala pa. Alas dos ang sabi niya e... Anong oras na?"

" baka naman nalibang kasama yung mga kaibigan niya."

" Pwede ba, Joshua?! Hindi ko kailangan ng suggestions mo! Kung ang pinunta mo dito ay para lang kulitin ako? Pwes! Umuwi ka na! Wala kang mapapala sakin." Sabi ko saka ko sila iniwan ni Ate Tanya.

Dumiretso ako sa kwarto ko st kinontact ko ulit ng kinontact yung number na ginamit niyang pang'text sakin.
May times pa nga na hindi ko siya makontact dahil siguro nagkakasabay kami ni Ate Tanya sa pagtawag.

Sa susunod nga ay ibibili kita ng cellphone para kapag nawala ka nang ganito ay ikaw na ang kokontakin ko. Nakakaasar!
Wala kasing hilig mag cellphone ang damuhong iyon! Nakakaasar!

Nababad'trip na ko!

" Saan ka ba nagsuot! 4:30 na! Konting oras nalang ay magdidilim na!" Naiinis na sabi ko sa sarili ko. Wala akong ibang makausap e!
E di kausapin ang sarili!

Naniinis na ko, Nilo.
Hindi na ko natutuwa.

Ti'nry ko ulit tawagan ng paulit ulit, pero ayaw talagang sagutin. Nang matapos ang huling tawag na ginawa ko ay napagpasyahan kong bumaba.

Letse! Alas cinco na, naiinis na talaga ko!
Pinapunta ko siya dito pero hindi siya dumating! Banas!
Nagpapakaba pa siya sa ginawa niya e!

Pwede namang tumanghi siya at magsabi na next time nalang, pare. Pero ano? Diyos ko! Masyadong friendly!

Tapos, kung sino yung hindi ko inaasahang dumating, iyon pa ang dumating.

Nakakabanas na talaga.

" Kelly? Natawagan mo ba siya? Alam mo na ba kung nasaan siya?"
Salubong sakin ni Ate Tanya habang hawak ang cellphone niya. At batid ko sakanya ang pag aalala.

" Hindi pa." Sabi ko saka ako dumiretso sa labas kung saan nandoon sila Kuya Ryan, Paul, Kuya Romano, Loiuse at Ate Kim.
Hindi ko naman alam na pati yung Joshua'ng yun ay nakaupo na roon sa tabi ni Paul, at mukhang nag uusap pa.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon