PART 85

25 1 1
                                    

NILO POV

Ilang araw na kong pagod na pagod at hirap na hirap dito.
Nakatali ang dalawang kamay ko habang ako ay nakatayo.
Wala rin akong t-shirt dahil pinunit nila at tanging pantalon lang ang suot ko.

Ilang araw na rin ang pananalanta ng bagyo, at ginaw na ginaw na ko. Pero hindi man lang nila ko mabigyan ng damit o di kaya'y kumot para hindi ako malamigan. Ang sasama nilang tao.

Nangangalay na rin ko pero wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang tiisin ito. Walang ibang makakarinig sakin kung sisigaw ako at sigurado ko doon, dahil nakikita ko sa labas ng kwartong ito ay puro matataas na damo. Wala namang nakakaalam kung nasaan ako maliban doon sa Enrico na yun na matagal ko nang hinahanap. Ang lalaking may malaking galit kay Kelly, kaya niya nagawang pasabugin at ipapatay kay Caloy at sa mga kaibigan nito, dahil ayaw daw niyang makatuluyan ang anak nitong si Joshua.

Nang dahil doon ay nagagawa niyang pumatay? Nang dahil lang doon ay nagawa niyang maging isang mamamatay tao? Isa siyang kahanga hangang demonyo.

Pero kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas,
Panay ang pagtulo nang pawis ko pero di ko mapahidan. Gusto kong kamutin ang katawan ko dahil kinakagat ako ng mga lamok pero di ko magawa.

Kung ang simpleng bagay na ito ay di ko magawa? Paano pa ko makakatakas?

Shit!

Ayan na naman siya! Kumikirot na naman ang mukha ko dahil sa pasang inabot ko nang pagsusuntukin ako nang tatay ni Joshua at nang tatlong lalaking hindi ko mga kilala, pero sa tingin ko ay sila yung inaabutan ng pera ni Enrico sa abandonadong bahay nila Kelly. Alam kong nandyan lang sila sa labas ng kwartong ito dahil naririnig ko silang mga nagtatawanan.
Sumabay din ang ulo ko na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa pagkakahampas nila.

Pagkadating ko dito ay kalbaryo ang nangyari sakin.
Suntok dito, suntok doon. Hampas ng kahoy sa katawan ko saka ako lulunurin sa iaang drum. Papasuin ng sigarilyo sa katawan at kung ano ano pa. Nakikita ko silang gumagamit ng pinagbabawal na gamot at buti nalang ay hindi nila pinalanghap sakin iyon. Ayaw ko nang bumalik sa gawaing iyon. Hindi na ko adik. Nagbago na ko. At magbabago ko para kay Kelly.

Haay!!

Akala ko noong pagkadating ko dito ay papatayin na nila ako agad at wala nang ganitong pambubugbog na parang isinasali nila ko sa hazing, pero hindi pa daw niya gagawin yun dahil uunahin daw niya ang isa sa pinakamamahal niyang kapatid.
Hindi ko alam kung sino yun dahil hindi ko naman kilala ang pamilya nito, malamang pa si Kelly ay kilala ang angkan nito, pero ako ay hindi.

Pero... Kailangan ko na talagang makaalis dito. Kailangan kong iligtas si Kelly at ang pamilya ko.

Pero kung matapos man ang buhay ko ngayong araw, sana'y hindi pabayaan ni Paul ang mga kapatid ko at lalo na si Kelly. Sanay tuparin niya ang pangako niya sakin bago ko mapunta dito. Sanay maging ligtas sila.

Pero... Hindi ako susuko. Hangga't may pag asa kong makaligtas at makatakas dito ay hindi ako mawawalan ng pag asa.
Hintayin mo ko, Kelly. Ililigtas talaga kita. Mahal na mahal kita.

Hindi ko naiwasang ipikit ang mata ko dahil sa nasilaw ako sa pagbukas ng pintuan. Hindi ko alam kung sino ang pumasok na yun pero di ko na inisip pa kung sino siya dahil sigurado ko sakanilang apat lang yun.

" O kumain ka na!" Sabi niya sakin pagkalapit niya saka niya ibinaba yung pinggan at tubig sa harap ko.

Gago pala ang isang ito?!
Paano ko kakain e nakagapos ako.

" Hoy! Tanga ka ba? Paano ko makakain? Nakatali ang mga kamay ko."

Bagama't may katotohanan ang sinabi ko sakanya ay di ko naiwasang mag isip na isang paraan ko na rin ito para makatakas. Pero nagulat ako dahil tumawa lang siya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon