PART 15

52 3 0
                                    

NILO POV

Dito na nanirahan ng tuluyan si Kelly ilang araw na rin ang nakalipas. Hindi ako nagagalit o naiinis na nandito siya dahil sa totoo pa nga ay natutuwa ako sa hindi ko alam na dahilan.

Ewan ko. Pero sa twing nakikita ko siya parang alam kong masaya na ko.

Wala akong gusto sakanya yun ang pinipilit ko sa sarili ko, pero iba pa rin ang sinasabi ng kilos ko at mga tingin ko sakanya.

Masaya rin ako hindi dahil sa kasama ko siya sa isang bubong lang, masaya ako dahil hindi na siya masyadong umiiyak at medyo nakakalimutan na niya ang nangyari sakanya.

Alam kong panandalian lamang iyon, pero ang makita kasing masaya ang isang tao at nakakalimutan nito ang problema niya, ay parang isang malaking tuwa na rin sa kalooban at sa pagkatao ng taong kagaya kong nanunulungan sakanya.

Ngayon ay papunta ako sa tindahan ni Ate. Nandoon kasi silang dalawa ni Mabel tumutulong kay Ate na magtinda at magluto para mapabilis ang mga gawain.

Buti nalang at wala akong problema sa mga kapatid ko para kay Kelly. Buti nalang at mababait sila at madaling makisama at pakisamahan.

" Ayan na pala ang unggoy!" Sigaw ni Mabel ng nakitang inihinto ko ang tricycle ko.

Bumalik na rin kasi ako sa pagpapasada ng tricycle. Sayang kasi ang kikitain ko, pantulong din yun para saming apat sa araw araw. Ayaw ko lang kasing umasa kay Ate at sa maliit niyang tindahan. Kaya bilang lalaki sa pamilya, kakayod ako kahit alam kong mahirap.

" Pakain nga po. May luto na po ba?" Sabi ko pagkapasok sa maliit na tindahan ni Ate.

Para rin kasi itong restaurant pero maliit na tipo lang. Parang Karinderia kung tawagin.

" Hoy, Unggoy. Hindi libre dito. Hindi porket kapatid ka namin libre ka na!" Si Mabel na walang humpay sa pag tawag sakin ng Unggoy.

Haha. Okay lang, atleast hindi maligno. Haha

" Nilo." Tawag sakin ni Ate.

" Ate, Bakit? " sagot ko saka ko siya tiningnan.

" mapuputulan na pala tayo ng kuryente bukas. Ikaw na sumadya sa bayaran bukas, hindi ko na kasi maasikaso dahil siguradong kailangan maaga kong magbukas bukas dahil may mga orders ng leche flan." Wika ni Ate na kinagulat ko.

Leche flan? Teka!! Kailan pa nagkaroon ng tindang ganun dito? Bakit hindi ko ata alam yun? Di naman siya sanay gumawa nun ha?

Saka, tandang tanda ko nung pinagluto ko siya nun dahil favorite ko yung desert na yun, ay palpak ang naging resulta. Sa halip na matamis. Naging matabang. Kaya?? Bakit nagkaganoon?

" Teka, Ate. Bakit ka naman magiging gahol bukas, e oorder ka lang naman ng leche flan tapos ipapadeliver mo lang yan sakin, for sure."

" Dyan ka nagkakamali. At saka sino bang nagsabi sayong oorder ako? Ako ang gagawa. Pero this time... Trial muna. "

" Anong trial? Saka bakit ka mag ta'trial kung orders na pala yun?" Naguguluhang tanong ko.

" Kasi hindi naman ako ang gagawa at magluluto nung leche flan... " sabi niya habang pumamewang.

" E sino?" Tanong ko.

" Si Kelly. " sabi ni Mabel kaya natahimik ako.

Teka? Si Kelly? Sure siya?

Sanay siyang magluto at gumawa nung desert na yun?

" Kaya ikaw! Ibibigay ko sayo yung pambayad sa kuryente mamaya..... O sige! Saglit lang! Magpapaturo muna ko kung paano gumawa para mamayang madaling araw pag ginawa namin ang leche flan, medyo may alam na ko! " excited na sabi niya saka umalis.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon