PART 74

31 1 2
                                    

JOSHUA POV

Kinaumagahan ay umuwi rin kami agad ni Lambert. Marami siyang sinasabi sakin na pinakinggan ko talaga ng husto.

At this time, gusto ko na talagang maniwala. Marami na kong nalalaman at kailangan nang tanggapin yun ng sistema ko.
Pero, hindi ako bigla bigla kikilos.
Makikiramdam ako at saka pag iisipan kong mabuti ang lahat.

Uunahin ko muna ang kaso ni Daddy. Gusto kong malaman kung siya ba talaga ang nasa likod ng lahat ng pangyayaring ito.
Saka ko nalang isusunod ang tungkol sa kapatid ko.

Alam kong hindi ko siya kilala. Pero, kailangan kong malaman kung kapatid ko nga ba talaga siya.
Wala akong ideya about sakanya, dahil hindi naman siya nagpapakita sakin at nagpapakilala kahit na bilang isang ordinaryong tao lang. Sinunod talaga niya abg utos ni Daddy na wag siyang magpapakita sa pamilya namin.
Ganoon niya kamahal si Daddy kaya niya nagagawa ang magpaka martir.

Hayaan mo.. Sa oras na malaman ko at mapatunayan ko na kapatid talaga kita... Hindi lang pagmamahal ni Daddy ang matatanggap mo.. Kung hindi pagmamahal din ng isang kapatid.
Hindi man naging maganda ang pagkikita nating dalawa noon, at hindi rin maganda ang naging pakikitungo natin sa isa't isa noong una palang ay alam ko naman na... Mabait kang tao.
Hindi ko man napatunayan yun ng personal sa pagkatao mo, pero napatunayan ko naman yun sa isang sitwasyong ginawa mo.

" Insan. "
Biglang sabi ni Lambert kaya tiningnan ko siya. Siya kasi ang nagdadrive dahil nga sa lalong sumakit ang paa ko dahil sa pagkakatapilok ko kahapon.

Grabe namam kasi yung eksenang nangyari kahapon. Akala ko ay mahuhuli niya kami, buti nalang at hindi.

Pero... Kung tama nga ang hinala ni Lambert.. Kailangan mailigtas namin si Loiuse doon, kahit na sabihing walang masamang gagawin sakanya si Romano, ay kailangan pa rin niyang makawala doon.

Pero paano?

" Oh?"

" Gusto kong iligtas si Loiuse. "

" Ha?" Gulat na tanong ko sakanya kasi hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya yun.

" Kailangan kong ipakita sakanya at patunayan na kaya ko siyang iligtas. Na hindi ko siya kayang pabayaan. Na gusto kong ipakita sakanya na, mahal ko siya."

" Ang baduy mo!"

" Inggit ka lang, kasi hindi mo yan nagagawa sa babaeng mahal mo. "

Bumanat na naman 'tong lalaking to. Sakin na naman napunta ang usapan.
Hahambalusin ko 'tong lalaking to e!

" Saka, Insan.. Kung nagmamahal ka.. Kaya mong ibuwis ang buhay mo alang alang sa kaligtasan ng babaeng mahal mo. "

" O e ano ang balak mo?" Pag-iiba ko nang usapan dahil nararamdaman kong ako na naman ang tinutumbok niya.

Ano bang malay ko kasi sa lahat nang nangyayari diba?
Saka.. Wala pa kaming kasiguraduhan sa katotohanan, ang meron lang kami at kaya naming panghawakan ay ang mga haka haka namin laban sa kasinungalingan nilang lahat.

Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito.
Ayaw ko nang mag isip.

" Liligtas ko siya."

" Mag isa?"

" Kaya ko. Pero kung tutulungan mo ko.. Much better."

Ngumiti naman ako sakanya.

" Sa dami nang naitulong mo sakin, ngayon pa ba kita iiwanan ngayong nangangailangan ka ng tulong ko? "

" Salamat, Insan. Ikaw na talaga!"

" Baliw!"

Tumawa nalang siya ng mahina at ipinagpatuloy ang pag da'drive niya.
Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa bahay.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon