PART 75

30 1 6
                                    

JOSHUA POV

Pinagkasya ko ang sarili ko dito sa gilid ng isang kahon. Napakasikip dito pero pinilit kong wag makagawa ng ingay. Ayaw kong mahuli niya ko. Syempre! Sino bang manunubok ang gugustuhing mahuli siya ng taong kanyang sinusubok?

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Daddy. May inilagay siyang CD sa desk niya.
At pagkatapos ay mayroon siyang kinuha sakanyang mga papeles.

Inintay kong makita ko yun, at laking gulat ko nang makita ko ang isang litrato.
Si...

Lambert?!

Ano ang ibig sabihin niya. Nadamay na ba si Lambert dahil sa pagtulong niya sakin?

Shit!
Hindi pwede to! Ibig sabihin matalas ang pang amoy ni Daddy.

Siya ang gumagawa ng lahat ng ito?!

" Nakielam ka. Marami ka nang alam.. Pasalamat ka Nilo. Dahil naatras ang napipinto mong kamatayan. Ikaw naman ang nalagay sa napipinto mong kamatayan Juan Lamberto Bustamante. Haha.."

Kinabahan ako. Alam na nga niya ang lahat.
Putsa!
Napahamak pa si Lambert!
Kailangan ko siyang balaan na mag ingat at kailangan ko siyang ingatan.

Tiningnan ko at sinundan ang mga kilos ni Daddy. May kinuha siya sa Desk niya at nang makuha niya ang pentel pen ay lumapit siya sa pader kung saan madaming mga pictures.

" Good boy." Sabi niya habang nilalagyan niya ng malaking ekis ang mukha ni Lambert.

Hindi ko na masyadong naaninag ang mga ginagawa niya pero alam kong marami siyang gustong gawin at paslangin.

Tinitigan ko lang siya at di ko dinamdam ang sakit ng paa ko at katawan ko dahil sa pagkakasuksok ko sa kahon na to.
Bakit parang tinitingnan niyang mabuti yung mga pictures.

Ano ba ang meron doon?
Tinitigan ko siya bilang pagsusuri sa mga galaw niya.
Mula sa kinalalagyan ko ay naaaninag ko ang mga litratong hindi ko naanig at napansin ng mabuti kanina.
Ang nakita ko lamang kasi ay ang picture ni Kelly, ni Romano at picture ko. Pero yung iba ay di ko na napansin dahil nga sa naghanap ako ng mapagtataguan.

" Saglit.. Mukhang hindi ka pa dapat magbuwis ng buhay Nilo. Mukhang... Masarap pang panoorin ang pagmamahalan niyong dalawa ng tunay na Kelly. Haha... Sige.. Pagkatapos ng pamangkin ko ay isusunod ko na ang Kapatid ko. Hello Doktora! Hahaha.. Saka na kita isusunod Nilo, hahayaan ko munang gumulo ang utak mo tungkol sa mga nalalaman mo sakin na hindi mo mahulaan kung sino talaga ko! Hahaha.."

Ibig sabihin??

Hindi lang ako ang naguguluhan ngayon?
Kung hindi yung lalaking nanggugulo din sa bahay?

Shit!

Bakit kailangang maraming mapahamak ng dahil sa kahibangan niya?!

At ano yung sinabi niya??

Pagmamahalan ni Nilo at nang tunay na Kelly?

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. So... Tama nga si Lambert sa mga hula niya at Tama rin ako sa kutob ko na ayaw kong paniwalaan.

Impostor ang Kelly na nasa bahay.
Kaya pala ang daming mga bagay na iba sakanya.
Kaya pala ipinapakita ni Daddy sa pekeng Kelly ang katuwaan at kaaliwan niya dito dahil alam niyang nagpapanggap lang din ito at sinasakyan niya lang ito.

" O sige na! May kailangan pa kong tapusin! At ikaw yun, Pamangkin. Haha.. Babye!"

Nang sabihin niya yun ay kinabahan ako. Kailangan kong mabalaan si Lambert! Kailangan ko siyang iligtas!
Alam na ni Daddy ang lahat kahit na palihim ang kilos?

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon