PART 93

38 1 0
                                    

NILO POV

Hindi ko maintindihan ang lahat ng nangyayari.
Bakit kailangang ngayon pa mangyari ang lahat kung kailan pupunta sila ng France! Kung kailan malalayo siya sakin.

Putsa!
Sa nalaman niya at ginawa ko ay binigyan ko lang siya ng dahilan para makahanap siya ng iba or worst, bumalik siya sa Joshua na yun.

Bakit ko ba siya kasi pinagtabuyan sa lalaking iyon!
Punyeta! Napaka tanga ko!

Gusto kong humingi ng sorry sakanya habang kasama ko siya sa bahay pero mukhang ayaw niya kong kausapin dahil ayaw niya kong pagbuksan ng pintuan kahit katukin ko siya at pakiusapan. Parang hindi niya ko naririnig.

Nanghihina ako. Hindi ko kayang mawala siya sakin.
Mahal na mahal ko siya.

Paulit ulit na kung paulit ulit ako! Pero, yun talaga ang tunay nararamdaman ko. Yun ang laging laman ng isip ko.

Ayaw kong maging marahas kaya kahit gusto kong sugudin si Carol ay hindi ko magawa. Gusto ko siyang pagsabihan sa ginawa niya. Gusto kong malaman kung totoo ba talaga ang mga pinagsasasabi niya! Pero hindi muna ngayon! Baka biglang umalis si Kelly. Hindi ko manlang siya makausap.

Bakit ba kasi kailangan sabihin pa niya kay Kelly ang lahat!
Putsa!
Nahihirapan na ko!

Ayaw kong magbalik siya sa dati niyang mahal. Ayaw kong bumalik siya sa piling ni Joshua.

Sorry na... Patawarin mo na ko. Kahit paulit ulit mo kong sampalin, suntukin, batukan at kung ano ano pang pananakit tatanggapin ko! Basta pakinggan mo lang ako at patawarin sa mga masasakit na sinabi ko. Pagbigyan mo ko.

Diba ako ang mahal mo? Mahal mo ko diba? Maaayos naman natin to e! Pero, wag muna sanang ganito!
Nakikiusap ako!

Naupo lang ako sa sofa at hinintay siyang lumabas doon, dumating na si Ate Tanya at lahat pero di pa rin siya lumalabas. Kinakausap niya ko pero di ko siya pinansin sa mga tanong niya. Si Paul ang sumagot ng lahat sakanya pero di ko pa rin sila pinapansin.

Inabot na nang dilim pero nandoon pa rin si Kelly, naririnig ko siyang nagsasalita habang umiiyak. Parang may kausap at sinusumbong ang ginawa ko sakanya na hindi ko naman sinasadya.

Sino kaya ang kausap niya?
Si Joshua kaya yun?
Pinagpalit na kaya niya talaga ko?

Shemay naman oh! Nagbibiro lang naman kasi ako kanina e para mapatawa ko siya! Bakit ba sineryoso niya!

Uy! Sabihin mo naman sakin na hindi totoo yun o. Sabihin mo, si Ate Kim yan o kaya ay si Loiuse!
Magsalita ka naman kasi! Ayaw mo na nga akong kausapin, ayaw mo pa kong labasin.

Gabi na pero di pa rin siya lumalabas doon. Hindi pa rin siya sinusundo ng Ate niya.

Paano kung hindi siya sunduin? At Bukas pa siya sunduin? E di bukas pa siya lalabas?

Paano kung si Joshua pala ang susundo sakanya?
Diyos ko! Kailangan ko si Paul para may umawat sakin! Babangasan ko talaga ang pagmumukha ng isang iyon.

Hindi ako papayag!!
Papaduguin ko talaga yang bibig mo. Pati yang pagmunukha mo para maging kamukha ka ni Diego!

Letse!
Bakit ba nagiging ganito ko! Bakit ba hindi ako mapakali!

Ganito ba talaga kapag nagkamali sa isang relasyon? Gamito talaga ang nararamdaman?

Kung ganoon...
Ang sakit pala talagang pumasok sa ganitong sitwasyon!

" Kelly? Kelly? Patawarin mo na ko oh.. Sorry na." Sabi ko habang kumakatok sa pinto niya. Hindi na ko mapakali e.. Gusto ko siyang kausapin, yakapin, at paliwanagan. Sana kako sa pagsubok kong muli para kausapin siya ay mabigyan na niya ko ng pagkakataon.
Pero bigo pa rin ako... Hindi niya ko pinagbuksan.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon