JOSHUA POV
Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang sinapit ni Lambert sa kamay ni Daddy.
Napakasakit nawalan ng isang Pinsan, Bestfriend, at higit sa lahat ay kakampi. Siya lang talaga ang nag iisang pinagkakatiwalaan ko, pero wala akong kwenta dahil di ko siya nailigtas.Para ano pa at tinawag akong bestfriend? Kung sa oras ng kagipitan at kapahamakan ay wala ako para iligtas siya. Wala akong kwenta!
Alam kong mangyayari yun pero di ko siya nabigyan ng babala.
Wala akong kwentang tao! Hinayaan kong magtagumpay ang isang Demonyong tao!Napakasama ni Daddy!
Hindi na kita kilala!
Isa kang hayop! Demonyo ka!.
Di ko akalain na sa likod ng lahat ng nangyayari ay ikaw ang may kinalaman.
At higit sa lahat... Di ko akalaing magagawa mo 'to! Sa mismong kadugo mo! Sa kaanak mo!Wala kang puso! Wala kang kwenta!
Hayaan mo, Lambert... Ipaghihiganti kita. Lahat kayong mga walang malay at labang pinaslang niya.. Ipaghihiganti ko kayo.
Nang maisip ko yun ay napabaling ako sa side table ko.
Natingin ako sa maliit na drawer nun, nandoon lahat ng ebidensya. Yung CD, yung mga Pictures at yung Diary.Shit!
Aanhin ko ang mga ebidensyang magtuturo sakin ng katotohan kung nawala naman ang buhay ng taong tumutulong at pinagkakatiwalaan ko ng husto!
Shit siya!
Kahit ama kita'y papatayin kita.Ilang araw na kong hindi lumalabas sa kwarto ko. Nakaburol pa rin sa chapel si Lambert pero kahit isang beses ay di ko siya nagawa pang tingnan at puntahan.
Ayaw ko!
Hindi ko kaya!
Hindi ko siya kayang tingnan sa ganoong kalagayan. Kung pwede ko lang siyang buhayin ay ginawa ko na. Kaso, ay di na talaga siya umabot sa ospital at wala akong kapangyarihang bumuhay ng tao.Para sakin ay buhay pa siya. Lagi kong inaalala ang mga alaala na magkasama kaming dalawa.
Yung mga araw na masasaya kami, nagkakatuwaan, nagkakatampuhan dahil sa pagpipilit namin sa tama at mali.Kahit alam kong alaala nalang ang lahat nang iyon ay binubuhay ko pa rin siya, para hindi ako malungkot nang husto sa pagkawala niya.
Lagi kong tatandaan ang mga bilin at paalala mo. Lahat ng sinasabi mo sakin ay dadalhin ko kahit saan ako magpunta. Dahil alam kong hindi ako mapapahamak sa bilin mo.
Haay!!
Ang hirap mawalan ng Pinsan na itinuturing mong kapatid.Sumasakit ang ulo ko! At sa twing iniisip ko siya ay sumisikip ang dibdib ko. Napakalaking tinik ang unti unting natatanggal sa aking dibdib.
Sanab'y hindi nalang ikaw ang namatay. Sana'y ang mga namatay nalang ay ang tunay na masasama hindi ang katulad mong walang kasalanan at inosente.
" Joshua?? Joshua??" Tawag nang isang boses habang sinasabayan niya nang pagkatok.
Di ko siya pinansin dahil ang manloloko at pekeng Kelly lang naman na yun ang tumatawag sakin.
Galit ako sa kahit na sinong may kinalaman sa nangyari. Sobra ang galit ko sa kanya dahil sa kanyang pagpapanggap ay napahamak ang aking pinsan.
Wag niyang masubok na lapitan ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko'y masaktan ko siya." Joshua.. Dinalhan kita ng hapunan mo.. Sabi ko kay Manang ay ako na ang magdadala nito sayo dahil gusto kitang makita. Ayos lang ba ang lagay mo? Baka magkasakit ka sa ginagawa mo."
Paguumpisa niyang muli pero parang kumakausap lang siya sa hangin dahil hindi ko siya pinapansin at sinasadya ko siyang wag kibuin.
Bahala ka sa buhay mo.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...