KELLY POV
Nandito kami ngayon sa Burol ni Nilo, kadarating lang namin kaya aligaga pa siyang magbaba nung mga pagkaing pinaluto niya.
Syempre, para di naman nakakahiya tinulungan ko siyang maglatag nung tela na mahaba.
Ewan ko ha! Pero excited ako. Ngayon lang kasi nangyari sa buong buhay ko ang ganito. Ang makapunta sa isang tahimik na lugar at mag picnic nang ganito.
Ewan ko kung picnic na matatawag to, pero para sakin.... Iyon yung tawag. Ang nakakalungkot lang sa unang pagkakataong ito, ibang tao pa ang kasama ko.
Haay!! Okay lang yan, Kelly. Hindi na naman iba sayo si Nilo diba?
Sabagay!! Atleast, masaya ako dahil dito.
" Pasensya ka na ha, minadali ko lang si Ate na lutuin yan e. " pangunguna niyang sabi nang makarating siya malapit sakin habang dala dala ang dalawang basket.
Tiningnan ko naman siya saka nginitian.
" Ano ka ba! Hindi ko nga inaasahan na may ganito pala e. Ang ineexpect ko lang kasi, pasyal lang... Hindi picnic." Sabi ko saka inayos ang balabal kong nasa ulo para matakpan ang kalahati ng mukha ko.
" Syempre, nakakahiya naman na dadalhin kita dito tapos pasyal lang ang gagawin natin diba? Atleast, ma'eenjoy mong kumain sa isang tahimik at mahanging lugar. " nakangiting sabi niya kaya ngumiti nalang din ako saka naupo sa telang inilatag ko.
Napakalawak dito. Parang abot kamay ko na ang langit kahit nakaupo lang ako. May mga nagtataasang puno ng mangga at may malalakas na ihip ng hangin.
Buti nalang nakisabay ang panahon, at hindi masyadong nagpapakita ang haring araw, at tiyak ko naman na hindi rin uulan dahil makulimlim lang naman at hindi gaanong kakapal ang kulay itim nun kaya sigurado ako. Haha.
" Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganitong lugar?" Tanong niya pero ngumiti lang ako saka tumango sakanya bilang sagot.
" Pero bakit? Hindi naman ata kapanipaniwala na hindi ka dinadala ng boyfriend mo dito." Saad niya kaya nagmake face ako. Ewan ko. Di ko alam sakanya. Puro restaurant, mall at party ang pinupuntahan namin e.
Saka, teka nga! Sabi ko sa sarili ko kanina gusto kong iwan muna ang alaala nila kahit saglit lang para makapag pahinga ang utak ko sa kaiisip.
" Sorry, if natanong ko... Na'curious lang kasi ako." Pangunguna niya sakin ng tangkang magsasalita na ko. Parang alam niya ang laman ng isip ko ha.
Nahulaan lang niya siguro dahil sa pag me'make face ko.
" Wala yun. Ano ka ba! "
" E kasi, sinamahan kita dito para mag enjoy diba? Pero parang ako tong nagpupumilit pa sayong wag magawa yun... Sorry talaga." Pagpapaliwanag niya sakin kaya ang ginawa ko ay hinawakan ko siya sa kamay niya saka ako nagsalita.
" Wala nga yun. Ano ka ba, hindi ka na naman iba sakin. Saka, hindi mo naman maaalis na magtanong about dun at naiintindihan ko yun. Actually nga, gusto pa kitang pasalamatan kasi marami rami na rin akong nalalaman about sa paligid ko at about sa maraming bagay na itinuro niyo sakin... Lalo ka na... " sabi ko sakanya habang nakapatong pa rin ang kamay ko sa kamay niya. At nang mapansin kong nakatingin siya sa ginawa ko ay agad ko yung tinanggal.
" Oo... Aaminin kong matapang ako noon.. Pero nung panahon na bumabagsak ako dahil sa nangyari sakin... Ikaw yung taong nagpatibay ng loob ko. Ikaw yung gumabay sakin at nagpaniwala na.. Kaya kong lagpasan ang lahat lahat. "
" Kaya mo naman talaga e... Saka...kahit naman kanino talaga, gagawin ko yun. Magpapaka hero talaga ko at magpapakadalubhasa. Hindi dahil gusto kong sumikat ha. Kundi dahil gusto kong malaman sa sarili ko, kung hanggang saan ang kaya kong ibigay sa iba." Sabi niya sakin nang nakatingin sa kawalan. Pinagmamasdan ko lang siya. At sa pagmamasid kong iyon, ay napansin kong gwapo pala siya.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...