NILO POV
Magkasama kami ngayon ni Paul. Nagpunta kami sa isang agency para sana mag apply ng magandang trabaho roon. Ewan ko ba kung bakit napapayag ako na gawin ito, e buong buhay ko sa pag'tatricycle na umikot ito.
Hindi ko alam kung tanggap kami dahil sa dami nang pinuntahan namin ay puro tatawagan nalang daw kami o kaya ay walang bakante. Hindi naman ako nahirapan makipag usap sakanila sa interview dahil naging totoo lang ako sa sarili ko sa mga sagot ko.
Habang pauwi ay nakita kami ng mga barkada ko noon na ngayon ay nag iinuman sa isang tindahan. Inanyayahan nila kami na sumalo sumandali sakanila.
Tumanggi man ako ay hindi naging mabisa iyon dahil puro sama ng loob ang inilabas nila sakin. Dahil daw hindi na ko sumasama sakanila at kung ano ano pa. Kaya... Naupo kami ni Paul at sumali sa kwentuhan nila at inuman.
Hindi ko naman alam na magtataggal pala kami roon dahil na rin sa katuwaan at pagkalibang sa kwentuhan.
Alam ko sa sarili ko na lasing na ko. Umiikot na ang paningin ko at gusto ko na talagang matulog. Hindi naman ako tatablan ng ganito kaagad kung hindi naman ako pagod.
Kaya habang nagtatawanan ay pinikit ko ang aking mga mata para ka'ko mawala panandalian ang aking pagkalasing ngunit ng aking idilat ito ay mayroong isang babaeng dumating.
" O? Isang himala! Ano ang nakain mo Nilo at napili mong makipag inuman ulit sakanila?"
" namiss daw kami, Carol."
Madami pa kong naririnig na usapan nila pero hindi ko na sila pinakielaman at tumayo ako. Umiiwas ako sa babaeng ito at kailangan ko iyong panindigan.
" Pare! Mauna na kami! Paul! Tara na!"
Nang lingunin ko si Paul ay natutulog siya.
Nalasing din! Pero bakit? Ito pinakamatibay sa alak kahit pagod ay hindi natatablan ng pagkalasing e bakit ngayon lasing ka?
" Mamaya ka na umuwi. Natutulog pa yung Bestfriend mo oh. "
" Kailangan na naming umuwi. Hinahanap na kami doon."
" Okay na! Nasabi na nila kanina na malelate kayo diba, Boys?"
" Yes!" Sabay sabay na sabi nila at sa maliit na paningin ko ay nakita ko silang mga nakatawa at mga nag apir'an pa.
" Oh diba! So.... Dyan ka lang "
Malanding boses ang ipinahiwatig ni Carol habang ang dalawang kamay ay nakapalupot sa aking mg batok.
" Kahit na. Gusto ko nang umuwi." Asik ko habang
Tinatanggal ko ang hawak niya" O sige! Pero ako na ang maghahatid sayo. Okay lang ba?"
Ngayon ay para talaga niya kong inaakit. Dahil ang mga salitang iyan ay kanyang binanggit sa aking tainga na nagdala nang isang mainit na pakiramdam.
Kaya ang aking ginawa ay umiwas agad." pumayag ka na, Pare oh! Kalimutan mo na yung nangyari sa inyo ni Carol noon. Past is Past!"
" Paul! Gumising ka nga dyan!" Sabi ko sakanya pero ayaw niya talaga. Kaya ang ginawa ko ay lumakad ako mag isa.
Pero sa hindi ko alam ay bigla akong nabuwal at nawalan nalang ng malay.
KELLY POV
" Nasan na kaya yung dalawa? Ang tagal naman nila? Saan ba sila naghanap ng trabaho? Akala ko ba dyan lang yung agency pero bakit gabi na wala pa rin!"
Isang malakas, maingay at tuloy tuloy na sabi ni Ate Tanya." Baka naman na'traffic sila. Tawagan niyo kaya?" Suhestiyon ni Loiuse
" Girl? di mo nakikita? Hawak ko yung phone ko oh? Nakatapat sa tenga ko! Ano iniisip mo? Nag ge'games ako? Haay! Ayaw sagutin e! Bakit kasi ayaw magcellphone ni Kuya e! "
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...