PART 69

21 1 4
                                    

JOSHUA POV

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin ni Daddy dito sa kompanya niya. Kanina pa ko nabo'bored.

Sabi niya ay sandali lang pero hindi ko alam kung bakit 2 oras na ang nakakalipas ay wala pa din siya.

Sa sobrang bored ko ay inilocked ko ang pinto at naupo ako sa swivel chair niya at parang batang ipinaikot ko ang sarili roon habang nakaupo.

Ganito ako pag naiinip. Nagiging isip bata ako.
Ganito rin ang bagay na ikinaiinis ko kay Daddy e.. Alam ko naman na kaya kami pumunta dito ay para ipamana na niya sakin ang opisina at para ipakilala ako sa mga trabahador dito bilang anak niya at bagong magmamay ari nitong kompanyang ito. Bagong mukhang gagalangin at pagsisibilhan dito. In short.. Bagong Boss nila.

Pero, hindi ko alam kung bakit kailangan pang patagalin at paghintayin ako. Naiinis na ako.

Noong una ay ayaw ko pang i'take ito dahil gusto kong magkaroon ako ng sarili kong business nang hindi umaasa kay Daddy. Pero, wala e.. Sakanya rin ako umasa. Wala na kong magagawa dahil ito nalang ang pinakamabilis na paraan para magkaroon ako ng sarili kong kompanya lalo pa at may nangyari na samin ni Kelly. Hindi imposibleng may mabuo roon at magkaroon na kami ng pamilya. Mahirap maghanap ng trabaho kung pride pa ang pagaganahin ko. Saka nakahanda na sakin ito, hindi ko pa ba iga'grab? saka hindi naman ito masama dahil sakin lang talaga ipapamana ni Daddy ang business niyang ito dahil ako lang ang nag iisang anak niya. Kaya... Maghihintay nalang ako kahit ayaw ko nang ganito. Iisipin ko nalang na.. Para ito sa kinabukasan namin nila Kelly at
ng magiging anak namin.

Dahil sa pagka'bored ko naglaro ako mag isa. Kunwari ay boss na ako at nag uutos ako sa sekretarya ko at mga tauhan ko. Ewan ko ha!
Pinangarap ko talagang maging boss e.. At dahil wala akong magawa! Sige! Panindigan tong larong ito! Haha.

May topak na kung may topak pero ayaw kong ma'bored dito.

Inilabas ko yung mga papeles sa ilalim ng table ni Daddy. At kunwari ay nagagalit ako sa sekretarya ko.

" Ano to? Gawang pang kinder? Ano ba?! Umayos ka naman! Hindi ito laro laro lang! Seryosong bagay to!" Habang sinasabi ko yun ay inilabas ko ang isang envelop.

May laman yun sa pagkakatantiya ko dahil ramdam ko naman na may kakapalan ito.

Patuloy lang ako sa pagsasalita ng bigla akong nagulat sa nakita ko.

Wtf!
Ano to?
Bakit meron siyang kuha nito?

Tiningnan ko isa isa yung mga pictures.
Mayroon dito na nasusunog na bahay.

" Kela Kelly to ha? Paano siya nagkaroon ng kopya nito habang nagliliyab yung bahay?"

Tiningnan kong muli yung mga larawan.
Bangkay? Bangkay ng tatlong lalaki?
Mga hindi ko sila kilala. Pero bakit may kopya si Daddy ng mga ganitong pictures?

Tiningnan kong mabuti yung pictures at napagtanto ko na parang yung background ay abandonadong gusali na.

Saan to? Bakit may mga ganitong pictures si Daddy sa table niya?

Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga pictures at nakita kong may pictures doon si Kelly.
Nagulat ako nang makita ko yun. Bakit may pictures si Kelly dito kasama ang mga creepy'ng photo na to.

Kumabog ang dibdib ko. Kasabay noon ang isang medyo malakas na pagkatok sa pintuan kaya nataranta ako. Mabilis kong isinuksok ang mga papeles sa ilalim ng lamesa kung saan ito mga nakalagay kanina. Ganoon din ang mga litratong nakita ko na ibinalik ko sa loob ng envelop pero sa tingin ko ay hindi siya ganoong kaayos nang ibalik ko silang lahat sa ilalim ng lamesa.
Sa taranta ko at takot ay hindi ko na talaga naisip na ayusin iyon.
Nagmamadali ako. Ayaw kong mahuli ni Daddy na nasa ganoong sitwasyon.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon