PART 34

24 2 4
                                    

KELLY POV

Nagulat ako sa hidden talent ng dalawang ito. Hindi ko alam na sanay pala silang mag gitara at kumanta. Ako kasi ay pagkanta lang ang alam ko.

Marami kaming mga kinanta. Puro nga si Nilo ang naggigitara at kami ni Paul ang taga Kanta.

" Wait... Ikaw naman kaya ang kumanta Nilo?" Sabi ko sakaniya.

Kasi nung una ko lang siya narinig kumanta.

" Okay. " pagsang ayon nito.

Buti at matino siyang kausap, kasi kung si Joshua ito... Diyos ko... Matagal na pakiusapan pa ang mangyayari bago pumayag.

" Diba may sinulat kang kanta? Hindi ko pa naririnig yun? Kantahin mo naman." Sabi ni Paul. Kaya napatingin akong muli kay Nilo.

Hanep! Hindi lang pala magaling kumanta, mahusay din gumawa ng kanta.

" Hindi ko pa tapos yun, saka.... Hindi ko na alam yung tono."

"Kahit yung konti lang... Sige na, Alam mo yun sure ako!.. At nararamdaman kong kaya mo yan! Ikaw ba pa? Ikaw gumawa nun ee kaya di mabilis mawawala yun sa isip mo." Sabi ko sakanya.

Hindi siya sumagot at tumitig lang siya sakin, pagkatapos ay pumikit saka tinipa yung gitara.

Unang tipa palang niya ay ramdam ko na doon ang lungkot.

Bakit malungkot? May pinagdaraanan ba siya nung sinulat niya to?

Marahil ay, oo... Halata sa mukha niya ang kalungkutan ee..

Pinakinggan ko lang yung umpisa niya. Punong puno at balot na balot iyon ng kalungkutan, napalagandang intro.

" Dahan dahan kang, pababayaan.

Hahayaan ang nararamdaman..

Lalo lang masasaktan.

Lagi lang magdaramdam..

Kung hindi pagbibigyan ang puso'y, lumipad..

Hahanap hanapin ka.

Dadalaw dalawin ang nakaraan kahit na.

Alam kong wala...aahhh

Akong babalikan."

Wow!!

Ang ganda... Napatulala nalang alo sakanya habang kumakanta siya.

Parang humihinto at bumabagal ang oras ko habang nakatingin sakanya.

Hindi ko alam kung bakit, pero nagagwapuhan talaga ko sakanya sa kung anong aura niya ngayon.

" Iyon lang yun. Ang pangit no. Hindi ko pa alam ang isusunod ko e.. Malabo pa yung isip ko. "

" Ang ganda nga e.. Hindi lang siya basta kinanta at ginawan ng tono. Pinagisipan kasi saka dinamdam mo, kaya lalong gumanda."

" Nambola ka pa." Sabi niya sakin. Saka sinabayan ng tawa.

Baliw to! Siya ma pinuri e, nambobola pa daw ako.

" Tapusin mo yang kanta na yan ha... Tapos mag audition ka... Isali mo yan.. Sure ako mananalo ka."

" Saan? Singing contest? Malabo!" Sabi niya sakin.

" Wala ka kasing tiwala sa sarili mo. Pero kung ibibigay mo kahit kalahati makakaya mo. Pero hindi maganda kung kalahati lang kailangan kasi 100%! Tapos idadagdago yung tiwala ng mga taong nagmamahal sayo!"

" Tulad nino?"

" Ni Paul, ni Ate Tanya! Si Mabel.."

" E ikaw hindi?"

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon