JOSHUA POV
Sa pagpikit ko ay siya namang pagtatalo ng utak ko.
Biglang namutawi sa puso ko ang awa. Pero, hindi para kay Digna, kung hindi para sa batang nasa sinapupunan niya.Kahit nakapikit ako ay mayroong tumutulong luha sa mata ko. At lalo pa iyong mga tumulo kasabay ng pag singhot ko sa likidong nagbabantang tumulo galing sa ilong ko.
Napangiti nalang ako habang iniaangat ko ang ulo ko para tingnan siya kung nagsasabi nang totoo. Ayaw ko nang muling malinlang at maloko.
Nakita ko si Digna na nakayuko habang nakayakap sakin. Hindi ko na naramdaman ang pagyakap niya dahil parang namamanhid ang buo kong katawan sa sinabi niya.Oo! Posibleng may mabuo nga! Pero.. Bakit?! Bakit hindi ko kayang tanggapin! , hindi ako makapaniwala! Hindi pwede. Ayaw ko! Hindi ko siya mahal.
" Hindi. Hindi totoo yan!" Pagtanggi ko saka muli akong yumuko. Hindi ko talaga kayang makita ang itsura niya dahil nararamdaman ko at malakas ang pakirandam kong totoo ang sinasabi niya.
Gusto kong makisigurado, pero kung totoo man ay parang hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang panindigan." Joshua, totoo. Maselan ang pagbubuntis ko sabi ng doctor."
" Hindi dapat pag usapan ang mga bagay na yan dito. Tigilan mo muna ko pwede. " Medyo may pagkainis na sabi ko habang hindi pa rin nawawala sa mukha ko ang pamumula ng pisngi at mata ko dahil sa pag iyak. Para kong naligo pero hindi ng tubig galinh sa gripo o shower, kung hindi tubig na galing sa mata ko at tubig galing sa katawan ko.
" Hindi. Alam kong iiwanan mo ko uli, Alam kong alam mo na na hindi ako si Kelly, pero Joshua, please.. Mahalin mo naman kahit na yung nasa tiyan ko nalang please. Maawa ka."
Tiningnan ko siya at lalo akong naawa sa mukha niya.
Tiningnan ko si Kelly at nakita kong nakangiti siya sakin pero alam ko ang lungkot na nadarama niya." Digna, hindi ganoong kadali. Kung yung bata.. Kaya ko.. Pero Ikaw?--"
" Alam ko. Natauhan na ko. Tama si Kelly.." tumingin siya kay Kelly at pagkatapos ay ibinalik niyang muli ang tingin sakin
" Hindi ko dapat ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Dahil siya ang mahal mo diba? Alam kong may mahal na siyang iba.. Pero, hindi na ko mag aassume pa na habulin ka.. Basta yung anak mo, please.. Panindigan mo siya.. "
Umiiyak na sabi niya kaya hindi pa rin natigil ang pag iyak ko.
Hindi ko alam kung bakit ako naantig sa mga sinasabi niya.Magsasalita na sana kong muli ng biglang may nagsalita sa tagiliran ko.
" Magkakaroon na pala ako ng Apo e! Gusto ko... Joshua Bustamante, Jr ang pangalan niyan!" Sabi ni Daddy kaya naging alerto ako at kinuha ko agad ang baril na binitawan ko kanina at kahit pawis na pawis at punong puno ng luha ay pin'rotektahan ko si Digna papunta sa gawi ni Kelly.
Namumula ang mata ni Daddy. Dulot ng shabung ginamit niya. Tawa rin siya ng tawa.
Alam kong lutang ang isip niya at marami siyang masasamang bagay na pwedeng gawin lalo na ngayon at hindi kami kasing lakas niya.Nagulat ako ng tumayo si Paul at tumabi sakin na may hawak na kahoy.
" Tutulong ako. " sabi niya kaya ngumiti nalang ako sakanya.
" Oh? Bakit hindi niyo manlang ipakilala sa baby niyo ang kanyang gwapong Lolo. Na galing dyan sa sinapupunan ng Nanay niyang Impostor! Haha!"
" Tama na Daddy! Tumigil ka na!" Sigaw ko sakanya habang ang baril ay nakatapat pa rin sakanya.
" Alam mo... Noong lumabas ka sa tiyan ni Aurora... Masasabi kong... Ako na ang pinaka maswerteng Ama sa buong mundo. Dapat nga ay ipapangalan ko sayo.. Ay ang pangalan ko.. Kaso.. Naisip namin.. Hindi ka na pwedeng maging junior, kasi... pinangalanan na ni Romana ang anak namin na Enrico Bustamante, Jr. Kaya sabi ko...
' Aurora, ayaw kong isunod ang pangalan ng anak natin sa pangalan ko.. Mahal ko ito e.. Ayaw kong maging pangalawa lang siya sa pag angkin ng pangalan ko. '
Kaya ginawa ko.. Joshua ang ipinangalan ko sayo.. Na'ga'gwapuhan ako sa pangalang iyon e.. Kaya ibinigay namin sayo..
Pero nagbago yung nanay mo. Niloko ako. Kinalaguyo niya yung hardinero sa mansyon. Kitang kita ng dalawang mata ko. Na nandoon sila sa bodega at may ginagawang milagro roon.. Alam mo.. Nasaktan ako.. Kasi yung babaeng mahal ko tinotorotot ako! Putsa! Joshua, ang sakit! Ang sakit para sakin... Pero alam mo, tinawanan ko lang siya.. Hahaha..."
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...