PART 59

17 1 4
                                    

DIGNA POV

Wala si Joshua at Lambert ngayon kasama nila si Ate Kim na ayusin yung kaso ko, sabi ko sakanila tawagan nalang nila ko kapag kailangan ako, pero sa totoo lang wala na kong pakielam sa kaso na yun. Maayos na ang buhay ko, at nakuha ko na lahat ng gusto ko.

Hindi pa kami okay ni Joshua hanggang ngayon dahil pinaiiral ko pa rin ang pride ko para kapag nagkagipitan na ako pa rin ang kakampihan niya. Haha. Ang talino ko talaga.

Tumawag sakin si Denise at sinabi niyang magkita daw kami kaya naman ang ginawa ko ay sumangayon ako agad. Nakakainip kaya dito, tapos ang makakasama ko na naman ay yung mga maids. Maid na nga ako dati hanggang ngayon sila pa rin ang makakasama at makakausap ko. Iba naman please lang!

Palabas ako ng gate ng makita ko ang isang babaeng nakaabang doon.

" Teka? Kilala ko yan ha? Ikaw na naman! " mahinang bulong ko sa sarili ko.

Di ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at nainis dahil sa nakita ko kaya ang ginawa ko ay nilabas ko siya.

Hindi ako nagpakita ng kaba at mayapang ko siyang hinarap.

" Ikaw na naman? Talagang hindi ka nadadala sa sampal ko no? Nasan ang alalay mo? Iniwan ka na? Ampangit mo kasi e no? Kaya pinagsawaan ka!"

" Sino ka ba talaga?" Pag iwas niya sa mga sinabi ko.

Wow ha! Ang lakas ng loob niyang pumunta sa teritoryo niya na ngayon ay teritoryo ko na pero wala naman siyang alam. Kung bakit nalaman kong siya talaga si Kelly? Pinamanman ko siya kay Denise. At ayon kay Denise ito nga daw ang totoong Kelly. Tawanan ko nga! Magpakapagod ka!

" Sino ka kako!"

Sa galit niya ay nagawa pa niya kong higitin sa braso ko, ramdam ko tuloy yung pagkagaspang nun.

" Aray! Bitawan mo nga ako! Tanggapin mo nalang na hindi ka na nila makikila Kelly!"

Pagkasabi ko noon ay bigla ko siyang tinulak. Akala ko ay mapapaupo siya dahil lampa siya pero hindi nangyari yun.

" Impostor ka! Hindi ka magwawagi sa gusto mo! Dahil walang lihim na hindi nabubunyag!"

" Talaga? Haha. Lumang kasabihan na yan! Mag aral ka naman ng ibang kasabihan!"

" sabihin mo nga sakin?! Sino ka ba talaga!"

" Gusto mo bang malaman?"

Nang itanong ko yun habang ang mga mukha ko ay puno nang pangaasar ay nakita ko sa mukha niya na nabigyan ko siya ng pag asa. Natatawa ko sakanya.

" Oo! Hayop ka!"

" Oh oh oh!! No bads words please! "

Di ko alam kung saan ko nakuha yung pang eenglish ko na yun pero di naman pala ko tanga kahit papaano. Haha. Sanay din pala ako.

" Sabihin mo na kasi!!!!"

" kung ayaw ko? May magagawa ka?"

" Bakit kailangan mong gawin to sakin, ha? Bakit kailangan mong magpangap?" Maluha luha na sabi niya. Inirapan ko naman siya. Ang arte!

" Dahil gusto ko! May nagawa ka ba? Wala naman diba? Ngayong nasa akin na ang buhay mo, wala ka nang magagawa. Hindi mo maagaw to at hindi ka makakabalik pa. Tandaan mo yan."

" Parang awa mo na. Parang awa mo na kung sino ka man sabihin mo na sakin kung sino ka at sabihin mo na rin sakanila kung sino ka talaga!"

" Digna? Tara na. "

Nagulat kami parehas sa narinig naming boses. Pero mas kinabahan ako at hindi lang kaba yun, dahil may kasama iyong takot, panginginig at kung ano ano pa.
Nang lingunin ko siya ay si Denise pala. Bakit nandito siya? Ang sabi ko sakanya.....

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon