NILO POV
Nakarating kami sa lugar kung saan ako dinala at itinago ng mga kumidnap sakin.
Ayon kay Joshua ay ito daw ang lumang warehouse ng kanyang mga Lolo. Naikwento daw kasi ito ng Daddy niya sakanya.Ano pakielam ko?!
Kung hindi lang talaga sa kaligtasan ni Kelly ay di ako papayag na makasama ito e.
Madilim na ang paligid at tahimik sila aa loob. Malawak nga kasi ang loob nito diba?
Imposible nga talagang marinig ko sila.Nang makababa kami sa sasakyan ay nakita ko agad ang sasakyang may plate number na LMR555 kaya ang ginawa ko ay sinipa ko iyon.
Nagulat naman ako ng tumunog iyon. Kaya yung mga kasama ko ay mga nataranta.
Hinatak agad ni Joshua ang susi ng sasakyan namin at tinawag niya kami ni Paul para sumama sakanya dahil alam niyang may lalabas sa gate dahil narinig na nila ang ingay na yun.Pero, sa halip sumama ay nagtago ako sa gilid ng gusali kasama si Paul kaya si Joshua lang ang mag isang umalis kasama yung sasakyan.
Kailangan niyang mailayo iyon saka siya bumalik dito.
" Pare. May tao. Papunta dito. Takbo doon bilis " sabi ni Paul kaya ang ginawa ko ay mabilis akong kumilos saka nagtago doon sa isang puno.
Nakita ko yung lalaki na sumilip at namukaan ko siya.
Siya yung pumaso sa katawan ko ng mga sigarilyo niya.
Hayop siya. Ikaw ang una kong hahanapin mamaya para patayin ko gago ka!Nang mawala siya lumabas kaming dalawa ni Paul at nanatili kami sa gilid.
" Paano ang gagawin natin? Paano tayo papasok doon?" Tanong ni Paul habang inililibot ang paningin sa paligid.
" May alam akong pwedeng daanan. Doon ako dumaan kanina. " sabi ko sakanya.
Gusto ko na talagang makapasok doon para mailigtas si Kelly. Kaya ang gagawin ko ay pupunta na ko doon.
" O sige. Pero. Hintayin natin si Joshua." Sabi niya kaya sumama ang mukha ko.
Hindi ko na siya kailangang hintayin pa! Nasa panganib si Kelly, at kailngan ko na siyang iligtas! Ngayon pa ba ko dapat mag antay kung kelan nandito na kami para gawin ang gusto kong gawin!
No way! Sumunod na lang sila at papasok na ko.
" Hindi. Ikaw nalang ang mag hintay sakanya at ako, papasok na ko doon. "
" Hindi mo ba naiintindihan, Pare?! Kailangan mo ng tulong namin! Hindi mo sila kaya! ni wala ka ngang armas!"
Naiinis na sabi niya sakin kaya ako naman ay napa maang dahil naiinis na rin ako.
Pero napangiti nalang ako ng sarkastiko sakanya." Yun ang nagkakamali ka, Pare. Meron akong proteksyon." sabi ko saka ko inilabas ang baril na kinuha ko kanina sa lamesa ng mga taong lasing na yun.
" Saan mo kinuha yan?" Nagtatakang tanong niya
" Hindi na mahalaga yun. Basta ang importante. Maililigtas ko si Kelly."
Sabi ko sakanya pero nagulat nalang kami parehas ng biglang may magsalita at nang maliwanagan ang paningin ko kung sino siya ay nainis ako at sumama ang tingin ko.Siya yung lalaking pumaso sakin. Akala ko'y umalis na siya at hindi kami nakita pero matalas pala ang pang amoy niya.
" Walang gagalaw, kung ayaw niyong sumabog ang bungo niyong parehas!!!" Sabi nang isang boses habang tinapatan niya ng baril sa ulo si Paul.
" Sino kayo?! Bakit nandito kayo?! Akin na yung baril mo! Nakita ko yan! Akin na!"
Wala na kong nagawa kaya ibinigay ko nalang sakanya. Baka kasi mamaya ay madamay pa si Paul kung hindi ko ibibigay.

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...