PART 39

27 1 5
                                    

NILO POV

Nang makauwi kami galing sa prisinto ay sobrang daming tanong nila Ate. Syempre, hindi nila alam ang nangyari kay Kelly kaya pinudpod nila kami ng tanong. Nakita pa nila ang pasa ko sa mukha kaya lalong dumami ang tanong.

Nung oras kasi ma narinig kong sumigaw si Kelly ay talagang naghahanap kami sakanya ni Paul. Bigla nalang kasi kako itong nawala nung inarapan niya ko sa loob ng kusina.

Buti nalang talaga at matalas ang pandinig ko at narinig ko siyang sumigaw. Madaling madali talaga ko nung time na yun, dahil alam ko na sa tono ng pagsigaw niya ay kailangan niya ng tulong ko. Kaya ang ginawa namin ni Paul ay naghiwalay kami para mapabilis ang paghahanap.

Kaya nung nakita ko yung mga lalaking pinagsasamantalahan siya ay ibinigay ko talaga lahat ng pwersa't galit ko. Nang dahil nga roon ay napatulog ko pa yung isa at hanggang sa umalis kami sa prisinto ay masakit daw ang ulo niya. Pudpod pa siya ng pasa.

Paano kasi! Siya yung naabutan kong nakadagan kay Kelly at pinagsasamantalahan na ito. E di ikaw na katikim ng galit ko.

Tsk! Tsk! Sabi ko naman kasi.... Masama akong magalit.

Nakita ko pa kanina yung mukha ni Kelly na takot na takot pero nung dumating ako ay napalitan ng ngiti iyon.

Nailigtas ko na naman ang lihim kong prinsesa.

Hindi ko nga maipaliwanag sa sarili ko kung bakit kinilig din ako kanina nang sabihin sakin ni Kelly na gagamutin niya yung pasa ko. Kaya ang ginawa ko ay umiwas ako ng tingin para mapagtakpan ang pamumula ng mukha ko.

At inaasahan ko ngayong pagdating namin sa bahay ay gagamutin niya ko.

" My God! Look what happened to you! Ang laki ng black eye mo!" Sabi sakin ni Loiuse. Hindi ko naman siya pinapansin dahil si Kelly ang inaantay ko.

" May pag'ka bad boy ka rin pala! Like Robin Padilla, Cesar Montano, Philip Salvador, Jeric Raval, Bong---"

" oo na. Oo na... Okay? Masakit yung mukha ko wag kang maingay." Pagputol ko sa mahabang pagsasabi niya ng mga aksyon star na yun.

Walang kwenta! Karindi!

Nang sabihin ko yun ay dumating si Kelly kasama si Mabel.

" Akin na... Gamutin ko yung pasa mo at sugat mo." Pangunguna nitong sabi nang mailagay niya yung palanggana at yung medicine kit sa maliit na lamesa dito sa Salas.

" Ahh... Ako na, Bes! " pagsingit na naman ni Loiuse.

Badtrip ka ha!

Wag mong ibibigay, Kelly. Ipaparape kita ulit! Haha. Joke!

" Hindi... Ako na." Sabi ni Kelly kaya may kung ano sakun ang parang lumundag. Puso ko ata yun.

Sinunod niya yung utos ng utak ko! Haha.

" Bes!! Ako na..." Pamimilit ulit ni Loiuse and this time parang sinasabi talaga niya kay Kelly na bitawan yubg bimbo at siya nalang ang gagawa nung paggamot sa sugat ko.

Naku! Wag kang papasindak Kelly! Wag kang papayag!

" Ako na, Loiuse... " mahinahon ngunit parang nagbibigay tensyong sabi ni Kelly.

Teka nga! Baka mamaya ay magkasabunutan pa tong dalawang to ng dahil lang sa paggamot sakin. Awatin ko na nga at baka magkasakitan pa!

" Loiuse, Si Kelly nalang pwede? Tutal she's the reason why i'm having these." Di ko alam kung bakit napapa english ako these past few days.

Basta ang alam ko lang... Naiinspire ako. Kung kanino?? Kanino pa nga ba? Itatanong niyo pa ba? E di kay Kelly. Kay miss L.A.

Haha... Natatawa nalang ako sa sarili ko kapag naaalala ko yung L.A na sinabi ko sakanya na kaming dalawa lang ni Paul ang nakakaalam kung ano ang meaning noon.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon