PART 45

26 1 4
                                    

KELLY POV

" Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sakin. Pero ang ginawa ko ay tumawa lang saka siya niyakap.

Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga nararamdaman ko.
At ang mga sinasabi ng isip ko.
Mahal?? Hindi ko siya mahal. Hindi! Hindi! Hindi!

" Kelly? Okay ka lang ba?"

" Oo.. Don't mind me. Saka yung sinabi ko kanina.... Joke lang yun. Kilala mo naman ako, diba? "

Pagpapalusot ko pero hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap ko sakanya. Nakangiti ako kahit di niya nakikita, pero alam ko ang ekspresyon niya ay hindi naaalis sa pagtataka.

Habang nasa ganoong pwesto kami ay biglang nagbago ang tugtog. Ang kaninang ang violin ang nagbibigay ingay sa paligid ngayon ay ang gitara na.

Si Caloy ang nag'gigitara. At napaka ganda ng intro nung kantang tinutugtog niya.
Alam ko yun ee... Narinig ko na yung intro na yun pero di ko al yung title.

Aalis na sana ko nang bigla niyang ipinatong ang baba niya sa ulo ko. Nakalagay kasi ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap. Hindi ko tuloy magawang umalis dahil baka sabihin ay wala akong modo, matapos ko siyang yakapin ay ganun nalang ang ipapakita ko.

" Di ko naisip na darating pa

Ang isang tulad mo saking pag iisa.

At ngayon buhay ko ay nagbago ito'y dahil... sayo. " pag uumpisa ni Paul sa kantang yun.

Ang ganda nang boses niya. Naalala ko tuloy nung nag jamming kaming tatlo nila Nilo. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti.

" Nasabi mong di na iibig pa

Ngunit na magawa nung makita ka na

At muling nadama ang pag ibig

Sa' king puso, ikaw lang."

Habang nag'gigitara ay kumanta din si Caloy. Bakit puro may mga magaganda silang boses? Puro sila Gifted wah.

" Nilo? Kaya mo yan." Narinig kong mahinang bulong ni Paul dito dahilan para mapaalis ako sa akap sakanya at mapatingin sakaniya.

" Kumanta ka na daw. Kantahan mo daw ako."

" Di ako prepared."

" Bakit? Kailangan ba pinapractice pa ang isang biglaang kanta para sa taong aalayan mo nang kanta mo?"

" Hindi naman."

" Kumanta ka na. Wag ka nang maarte. "

Tumingin muna siya sa gawi nila Paul tapos parang sinenyasan niya itong ' Sige! Tumugtog na kayo ulit. '
Pagkaharap niya sakin ay kitang kita ko yung saya sa mukha niya.

" Ikaw pala ang hanap ko

Ang nais ko

Ang hinihintay, nang puso ko

Tunay nga kung siya ang kapalaran mo

Dararating sa buhay mo..

Ikaw pala ang langit nang pag ibig ko

Binuhay mo ang puso ko

Sana kailanma'y hindi magbabago"

Nakatingin lang ako sakanya habang kumakanta siya at ganun din siya sakin. Ramdam ko yung pag awit niya na galing sa puso niya.

Hinawakan niya yung pisngi ko pagkatapos na hindi ko na rin kinagulat pa. Hindi na siya kumanta at nagsayaw nalang kami habang yung kamay ko ay nasa balikat niya.

Saan Hahanapin Ang Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon