KELLY POV
" Ano?! Saang ospital yan?! " isang malakas na sigaw ni Paul.
Nagulat naman ako dahil nagkekwentuhan kami dito at nagkakatuwaan ng bigla nalang may tumawag sakanya kaya naputol ang pag uusap namin.
Tapos sa di inaasahan ay bigla siyang sisigaw sa isang sulok?Sino ba kausap niya??
At anong nangyari? Nakakakaba ang sigaw niya. Parang may nangyaring hindi maganda kay Nilo kung umast----
What!!! Si Nilo??
My God!!Napatingin ako sakanya at nakatapat pa rin sa tenga niya ang cellphone niya.
Si Nilo kaya yung kausap niya?? Ano ba nangyayari!!
Kinakabahan ako!!
" Paul anong nangyari? Nasan si Nilo? Si Nilo ba yung kausap mo?" Sunod sunod at kinakabahang tanong ko sakanya. Tumitig lang siya sakin saka sinabing sumama ako sakanya.
Mabilis siyang umalis pagkasabi niya ng mga katagang yun, kaya ako ay mabilis ding sumunod sakanya at sumakay sa tricycle niya.
" Paul? Sino ba yun? Kausapin mo naman ako?!" Tanong ko sakanya ulit. Tutok na tutok kasi ang atensyon niya sa pagmamaneho at parang takot na takot na kinakabahan na ewan.
" Pwede ba? Wag ka munang maingay? Kinakabahan ako e.. "
" E bakit ka ba kinakabahan?! May nangyari ba kay Nilo?"
Tumingin siya sakin dahilan para mas lalo akong kabahan.
Hindi ko kayang may mangyayaring masama sa lalaking alam kong mahal na mahal ako.. At alam kong mahal na mahal ko rin.Tumikhim siya ng hangin saka humarap muli sa kalsada saka nagsalita ng mahinahon na may halong kaba at pagkadismaya.
" Kay Nilo.. Wala. Kay Caloy... Oo. At agaw buhay siya."
Nang sabihin niya yun ay pumasok agad sa utak ko si Mabel. Nalulungkot ako sa kung anong pwede niyang gawin kapag nalaman niya to.
Ano ba kasi ang nangyari!
Bakit kailangang mangyari ang ganoong bagay sakanya?!Mabait na tao si Caloy at alam kong hindi siya gagawa ng ikapapahamak niya.
Walang kaluluwa ang taong gumawa noon kay Caloy. Isa siyang demonyo!Pero.... Ano ba talaga kasi ang nangyari? Ano bang ginawa nilang kalokohang dalawa at napabilang na naman sila sa gamitong kaso! At ang masama pa! Nag aagaw buhay pa ang isa sakanila.
" Ano na naman ba ang pinasok na gulo nung dalawa?!"
Matapang kong tanong sakaniya." Hindi ko alam! Walang sinabi si Nilo! Basta nasa ospital sila tapos! Mamaya ka magtanong dahil parehas tayong nangangapa ng sagot?! Okay! Wala rin akong alam."
Pilosopo!
Di ko maiwasang kabahan. Natatakot ako.
Wala po sanang mangyaring masama. Iligtas po ninyo si Caloy, Diyos ko po.. Parang awa niyo na po.
Sa pagdadasal ko. Hindi ko na namalayan na nasa ospital na kami. Nadatnan ko nalang si Paul na bababa na sa tricycle kaya ang ginawa ko ay sumunod ako sakanya.
Mabilis siyang pumasok sa loob kaya ako ay mabilis ding sumunod sakanya.Pagpasok namin at pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko ang isang lalaki na nakayuko at parang umiiyak.
Nakita ko rin ang karatulang Emergency Room.Nasa loob nun si Caloy.
" Nilo?" Bulong ko saka tumakbo kung saan siya naroroon. Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Paul pero di ko na siya pinansin. Si Nilo ang kailangan ko.
Habang tumatakbo ay bigla siyang tumingin sakin at nakita ko ang mukha niyang natatakot at nalulungkot na ewan.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomantikIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...