NILO POV
Bakit ganoon?
Hindi ko na siya naabutan sa Airport.
Ang sabi ni Loiuse ay kaaalis lang sa bahay nila pero bakit wala naman sila dito?Ang sabi ng napagtanungan ko ay kaaalis lang daw ng flight na sinabi ko.
Shit naman oh!
Nakakaasar na!
Hindi ko na siya napigilan! Paano ako susunod doon!
Hindi ko naman alam puntahan yun!!Hindi ko na napigilan ang luha ko at naupo nalang ako sa bench sa labas ng Airport saka ko hinanap si Kelly, baka kasi isa sa mga naglalakad ay siya.. Pero.. Inabot na ko ng dilim ay wala pa rin.
Posible kaya na niloloko lang ako ni Loiuse, para di ko makita si Kelly?
O?? Talagang ayaw na kong makita ni Kelly dahil sa nagawa ko?
Shemay naman oh!.
Bakit ganoon?! Hindi ko naman kasi talaga gusto yun e! Bakit napakalupit naman kasi ng tadhana sakin? Samin?!
Gusto ko na talagang umiyak ng malakas, pero nakakahiya. Hindi ko yun dapat gawin dito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at para talaga kong mabubuwal.
Punyeta!!
Kanina pa yung pakiramdam ko na to ha! Pati sakit ng ulo ko di maalis alis!
Sumasabay pa yung mata ko na nag'be'blurred. Minsan ay parang kay layo ng tingin ko e nasa harap ko na pala ang kausap ko.Ano ba ibig sabihin nun? Mabubulag ba ko?
Pero bakit? Anong dahilan?Ay, Ewan! Bakit ba nag iisip ako nang ganoon! Walang mangyayaring masama sakin okay!
Okay ako at pansamantala lang to!
Nagtanong ako sa babaeng nakita ko kung anong oras na at ayon sakanya, alas otso na daw.
Kaya labag man sa kalooban ko ay hinanap ko ang pinagparadahan ko ng tricycle ko at umalis ako para makauwi na ko.Pero, bago umuwi ay pumunta muna ko sa bahay nila Kelly,
Ipinarada ko yung tricycle ko saka ako tumayo sa harap ng bahay nila.Umaasa kasi ako na baka bumalik siya dito at di tumuloy sa France. O di kaya ay nandito lang siya para magtago sakin.
" Kelly!! Kung nandyan ka man!! Please.. Patawarin mo na ko!! Hindi ko kayang wala ka! Maawa ka naman!! Sorry na! "
Namaos lang ako sa kakasigaw at kakatawag sakanya pero walang sumasagot sakin.
Wala ring lumalabas.Yung kaninang bukas na ilaw sa sala nila ay bigla nalang pinatay.
Lahat ba sila'y galit sakin.
Kaya ayaw nila kong labasin dito para papasukin manlang o kaya'y kausapin?Shemay namam oh!
Ano ba ang nangyayari sakin! Taragis!
" Kelly! Mahal na mahal kita!"
Malakas na sigaw ko pero nagulat ako sa isang boses na sumigaw sakin kaya napatingin ako sakanya.Isang may edad na babae. Mga nasa late 50's siguro.. Mataba lang ng konti pero may itsura naman.
Ano ba?!
Pati matanda pinagnanasaan mo!
Hindi!
" Hoy! Magpatulog ka nga! Ang ingay ingay mo e! Kanina ka pa sigaw ng sigaw dyan! Bukas mo puntahan ang mga nakatira dyan! Nakita mong patay na ang ilaw nila! Ibig sabihin tulog na sila! sigaw ka pa rin ng sigaw! Nakakabulaho ka po kaya, Mister!!"
Actually, hindi malinaw ng konti yung sinabiniya sakin pero may mga naintindihan naman ako. May times lang na di ko narinig...
Pero kahit ganoon, ay nagpakumbaba ako. Wala naman kasi ako sa teritoryo ko. At tama siya.
Gabi na. At nakakabulaho ako sa mga taong natutulog nang kapitbahay nila.
BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...