KELLY POV
Nandito ko ngayon sa dagat. Nakaupo lang ako sa buhangin. Kasama ko sila Ate Tanya at sila Mabel kaso, sila nagbababad sa tubig.
Nasaan na ba si Paul at Loiuse? Kanina lang naguusap sila doon. Bakit bigla silang nawala? Siguro... Nag uusap lang. Hayaan mo na nga... Baka namiss nila yung isa't isa.
Si Nilo kaya?? Ang tagal namang gumising noon. Kahapon lang ay maagang natulog at hindi na nga naghapunan. Tapos ngayon, tanghali na tulog pa rin.
Yung totoo?? Pagod na pagod??
Hindi na ko nag isip at naghanap pa sakanila. Pinanuod ko nalang ang paghaharutan nilang tatlo habang nasa gitna ng tubig. Gusto ko sanang makisali kaso ayaw ko... Baka mamaya ay maaksidente na naman ako o kaya ay may hindi magandang bagay ang mangyari sakin. Mas mabuting maupo nalang ako dito. Nag eenjoy naman ako ee..
Nasa ganoong posisyon lang ako nang mapagtanto kong hanapin yung dalawa. Baka kasi mamaya ay nagpapatayan na yung mga yun. Sabi pa naman ni Paul nung nakaraang araw ay ayaw niyang nandito si Loiuse.
Kung bakit??? Hindi ko alam. Wala akong ideya. Hindi naman ako nagtatanong kay Paul dahil hindi naman kami gaanong ka'close. Ayaw ko ring magtanong kay Loiuse dahil baka mamaya ay sabihin pakielamera ko sa buhay nilang magpinsan. Kahit na sabihing bestfriend ko siya nung h.s. di pa rin magandang pakielaman ko sila.
Tatayo na sana ko ng tawagin ako ni Ate Tanya. Kaya lumingin ako sakanya.
" Saan ka pupunta?!"
" Dito lang Ate! "
Pagkasabi ko ng mga katagang yun, ay umalis na rin ako. Akala ko kung gaano kaimportante yung pagtawag niya sakin, hindi naman pala. Pero okay labg, at least alam ko sa sarili ko na kahit papaano ay may pagpapahalaga sila sakin.
Naglakad ako patungo sa loob ng bahay. Medyo malayo pa ang nilakad ko bago makarating doon dahil sa mahabang hagdanan pa ang aking dadaanan bago makarating sa loob. Pagkatapos ay hagdanang muli pababa para matunton na yung mismong papasok sa bahay.
Pagkapasok ko sa loob ay nakasalubong ko yung isang katiwala. Kaya nagtanong ako kung nakita niya si Loiuse. Ang sabi niya sakin ay nandun daw sa terrace at umiiyak.
Nagulat ako ng sabihin niyang umiiyak ito. Kaya dali dali akong pumunta roon..
Halos madapa at madulas na ko para lang mapuntahan siya. Ganoon ako ka'concern sa kaibigan ko.
Pero sa hindi ko alam na dahilan paglapit ko sa pintuan ay parang kinurot ng kung sino ang puso ko. Wala naman akong karapatang magselos sa nakikita ko pero nasasaktan akong nakikita ko silang naghahalikang dalawa ni Nilo.
Hindi ko maigalaw yung katawan ko. Parang may kung ano sa mata ko ang gustong mamuo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
" Kelly?" Tawag nang isang boses sa likod kaya nilingon ko siya.
Si Paul pala.
" Anong ginaga--" tanong niya sakin pero di na niya natapos ng makita niya sila Nilo na nasa ganoong pwesto. Pero nung tanawin kong muli sila ay hindi na magkadikit ang mga labi nila.
" Ahh.. Mag C.R lang ako ha." Sabi ko saka dali daling pumunta sa public c.r dito.Naiinis ako!
Ang lakas ng loob niyang makipaghalikan ha! Akala ko mabuti siyang tao, yung rumerespeto sa ibang mga babae pero nalaman lang ata niyang may gusto sakanya si Loiuse ay nakipaghalikan na siya.
Malandi siyang lalaki! Nakakaasar!
Kapag pala nilandi ng kung sino bibigay agad siya... O kaya naman talagang sinadya niyang manlandi ng babae!

BINABASA MO ANG
Saan Hahanapin Ang Pag-Ibig
RomanceIsang pagsubok ang pagdadaanan ng Apat na Tao sa ngalan ng Pag ibig Sino ang mananalo sakanila? Si Digna na nagpapanggap para mahalin siya ni Joshua at para maangkin niya ang mga bagay na wala siya na meron si Kelly. Si Joshua na buong tapat na umii...